in

Decreto Salvini, aprubado na sa Chamber of Deputies

Ganap nang inaprubahan ang Decreto Sicurezza e Immigrazione, kilala rin bilang decreto Salvini sa Chamber of Deputies o Camera dei Deputati. Umani ng 396 favor votes at 99 naman ang tutol sa dekreto.

Bukod sa majorty ay nagdiwang din ang Fratelli d’Italia at Forza Italia.

Kabaligtaran naman ang PD, kasama ang LeU, matapos ang ginawang scenario sa assembly na pagsusuot ng puting maskera bilang tanda ng protesta.

Ganap din ang katuwaan ng Lega, at nangunguna si Vicepremier Matteo Salvini:  “Tunay ang aking kasiyahan. Itong araw na ito ay hindi malilimutan”, aniya.

Samantala, walang reaksyon naman mula sa Movimento 5 Stelle.

Matapos ang final vote ng decreto na inaprubahan sa Senado noong nakaraang Nov. 7, 2018 at inilathala sa Official Gazette noong Oct. 4, 2018 ay ganap na itong isasabatas.

 

Basahin rin:

Decreto Salvini, ang nilalaman

Mga pagbabago sa Batas sa Citizneship, hatid ng Decreto Salvini

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy colf, paboritong biktima ng budol-budol

Decreto Salvini, apektado ba maging ang mga may dokumentong Pilipino?