Inaprubahan kaninang umaga sa Senado ang Decreto Sicurezza: 163 ang pabor, 59 ang hindi at 19 naman ang hindi bumoto. Sa ngayon ay susulong naman ang dekreto sa Chamber of Deputies o Camera dei Deputati.
Paghihigpit sa pagbibigay ng karapatan sa mga asylum seekers, pagpapatupad ng Daspo urbano o ang lalong paghihigit ng awtoridad at pagbibigay ng karampatang parusa. Ito ay ilan lamang sa mga mahahalagang punto ng decreto sicurezza na hinangad ni Interior Minister at ng kanyang partido, ang Lega.
Ang teksto ay nahahati sa tatlong mahahalagang bahagi:
- Imigrasyon
- Public security
- Organisasyon ng Ministry of Interior at ng mga National Agency para sa mga sequestered o confiscated asset mula sa iba’t ibang krimen.
Sa isinulong ng mga susog, na nagtataglay ng pagwawasto, ay pinalitan ang orihinal na decreto legge at idinagdag ang CCTV, eviction ng mga gusali, ang budget ng urban security, paggamit ng drone. Nasasad din ang pagkalap ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga pulis sa mga bilangguan.
Imigrasyon: Paghihigpit sa asylum at mga permit to stay
Para sa imigrasyon ang nilalaman ay mula sa pagtatanggal ng permesso per motivi umanitari na pinalitan ng special temporary permit, prolonged permit to stay for health purposes hanggang sa pagpapahaba mula 3 hanggang 6 na buwan sa mga detention centers o Centri per rimpatri; mula sa posibilidad na ikulong muna ang mga dayuhang ide-deport o pababalikin sa sariling bansa sa mga public security centers, sa kasong walang availability sa mga Centri di permanenza per il rimpatrio (Cpr) hanggang sa posibilidad na bawiin o tanggalin o pawalang bisa ang Italian citizenship dahil sa terorismo.
Ngunit ang focus ng teksto ay ukol sa mga asylum seekers: para sa mga mayroong malalang krimen ay nasasaad ang pagpapahinto sa pagsusuri ng aplikasyon para magkaroon ng international protection at ang obligasyon na lisanin ang bansa.
Kung nahatulan sa unang pagkakataon ang dayuhan, ay inaasahan na ang commissioner ay magbibigay ng komunikasyon sa Territorial Commission, “na magbibigay ng madaliang pagdinig sa dayuhan at magbibigay ng angkop na desisyon”. Ayon sa dekreto ay esklusibong nakalaan sa mga mayroong international protection status at sa mga non accompanied minors ang mga proyekto para sa integrasyon at social inclusion sa pamamagitan ng mga Sprar (Sistema di protezione e richiedenti asilo e rifugiati). Sinusugan din ang mga bilang ng mga huling nabanggit sa mga Comune.