“Magtatanggal sa karapatang pantao ng mga migrante, kabilang ang mga asylum seeker at biktima ng pang-aabuso, tortyur, human trafficking at iba pang malalang paglabg”.
Sa pamamagitan ng isang liham ay humihingi ang UN, partikular mula sa Higher Commission on Human Rights ng paglilinaw mula sa Italya.
Ang 11 pahinang liham ay pirmado ni Beatriz Balbin, ang head ng Higher Commission on Human Rights ay dumating sa Ministry of Foreign Affairs sa pamamagitan ng Italy Representative Gian Lorenzo Cornado.
Ito ay nagsasaad rin ng pagkabahala ukol sa nilalalaman ng decreto sicurezza bis kung ganap na maaaprubhan ngayong lunes.
“Ang karapatang pantao, ang proteksyon ng mga migrante at mga refugees ay tahasang nilalabag ng decreto sicurezza bis”.
Ayon pa sa liham, ang ginawang obserbasyon ng UN ukol sa seguridad sa frontier at iligal na imigrasyon ay sapat na dahilan para ituring ang direktiba ng gobyerno bilang malalang paglabag sa international agreement.
Dahil dito ay hiniling sa gobyerno ng Italya na ihinto ang proseso na maaaring humantong sa aprubasyon nito.
Kaugnay nito, kinumpirma naman ng Farnesina ang pagtanggap sa liham.
“Isang paglilinaw ukol sa huling dalawang direktiba ng Ministry of Interior ukol sa seguridad sa frontier at iligal na imigrasyon. Bukod dito ay naglalaman din ito ng pagkabahala”.
Ang decreto sicurezza bis ay nakatakdang talakayin sa Council of Ministry ngayong araw.