in

Deklarasyon sa paninirahan sapat na!

Viminale: “Hindi na kailangan ang magpakita pa ang kontrata ng bahay o deed of ownership”. Subalit ang idoneità alloggiativa ay kailangan pa rin.

Roma – Usapin sa kasalukuyan ang masyadong pagpapahirap ng mga Sportelli Unici sa mga dayuhan dahil ang walang kontrata ng bahay o deeds of ownership ay hindi makakapag-aplay ng permesso di soggiornio. Ayon sa Viminale, sapat na umano ang comunicazione di ospitalità o ang cessione di fabbricato na isinagawa sa tanggapan ng mga pulis.

Ito ay malinaw na nakasaad sa isang circular ng ipinalabas ng Ministero dell’Interno. Kailangang pigilan ng mga Sportelli Unici sa iba’t ibang probinsya na nagpapahirap at ginagawang komplikado ang buhay ng mga employers at workers na tinawag upang pumirma sa contratto di soggiorno.

“Tungkol sa tirahan ng isang worker, – paliwanag sa circular – kung ang tirahang ito ay bahay ng employer o kaya’y tirahan ng ibang tao, sapat na ipakita sa Sportello Unico ang kopya ng “cessione di fabbricato” na ginawa sa karampatang awtoridad (Police Station), ang mga Sportelli Unici ay walang karapatang humingi ng deeds of ownership o kaya’y kontrata ng bahay, ecc…”

Sa teksto ng circular, maaari mong isipin na hindi na kinakailangan ang patunay na ang worker ay nakatira sa isang maayos na bahay, pahirap na kinakahirap ng mga dayuhan. Subalit ang mga eksperto ng Dipartimento Libertà civili e immigrazione del Ministero dell’Interno ay tahasang nagsabi na ang “certificazione sull’idoneità alloggiativa” ay kailangan pa rin. Di umano’y ang walang sertipikasyon ay pwedeng gamitin ang request na naggaling sa Comune o Asl.  (Liza Bueno Magsino)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Sa Roma may bagong anim na “sportelli” para sa residensya

Ano ang dapat gawin kung nawalan ng trabaho