Patuloy ang pagkalat ng Delta variant sa buong mundo. Ito ay nakarating na sa higit sa 104 na mga bansa, ayon sa WHO.
“Noong nakaraang linggo ay ang ika-apat na magkakasunod na linggo ng pagtaas muli ng mga kaso ng Covid-19 sa buong mundo“, ayon sa director general ng World Health Organization (WHO) na si Tedros Adhanom Ghebreyesus, sa ginawang press conference upang magbigay ng update ukol sa coronavirus.
Ang pagtaas ng mga kaso ay naitala sa lahat ng 6 na Rehiyon ng WHO, maliban umano sa isa at pagkatapos ng 10 linggong pagbaba ng kaso, ay muling may pagtaas sa bilang ng mga biktima, aniya.
Ang Delta variant ay posibleng mangibabaw sa buong mundo dahil sa tindi ng epekto nito ay pinangangambahan ng maraming COVID expert at WHO na patuloy ang maging mutation nito na magiging sanhi ng pagiging mas nakakahawa.
Ang kilala sa dating tawag na India variant ay nagtatala din ng matinding outbreak sa mga lugar na mayroong mataas ng bilang ng mga nabakunahan. Sa mga lugar na ito ay mabilis na kumakalat ang variant, partikular sa mga hindi pa bakunado at patuloy na nagbibigay ng presyon sa mga health system. Higit na malala naman ang sitwasyon sa mga lugar na hindi pa natuturukan ang maraming mga mamamayan.
Basahin din:
- Delta variant, kalat na rin ba sa Italya?
- Pfizer, hindi epektibo laban sa Delta variant
- Babala ng WHO: Europe, nanganganib magkaroon ng fourth wave!
- Delta variant, kinatatakutan ang mabilis na pagkalat sa Europa ngayong Summer
- Narito ang 5 kinatatakutang Covid variants