Inaasahan sa susunod na linggo ang desisyon ng European Commission para sa fourth dose ng bakuna kontra Covid19. Ito ay ayon kay Health Minister Roberto Speranza.
Aniya nagkaroon ng isang pagtitipon noong nakaraang Martes ang mga health ministers ng Europa at inaasahan ang paglabas ng iisang desisyon ukol sa fourth dose para sa lahat ng populasyon. Gayunpaman, dagdag pa niya, ang bawat bansa ay pinag-aaralan ang mga hawak na datos at may panganib na ang bawat bansa ay magkaroon ng kanya-kanyang desisyon.
Binigyang-diin din ni Speranza na ang fourth dose ay kailangang gawin ng mga immunosuppressed. Sa katunayan, ito ay sinimulan na sa Italya. Marahil ay kailangan din itong gawin ng mga health fragile, over80s at over70s.
Kaugnay nito, sa mga darating na linggo, ay malalaman din kung magpapatuloy pa ang paggamit ng protective mask sa mga indoor spaces simula May 1 sa bansa. (PGA)
Basahin din:
Kailan tatanggalin ang paggamit ng mask sa Italya? Saang lugar mandatory ang paggamit ng FFP2 mask?