Tinatawag na Certificazione Unica, (dating CUD) ang deklarasyon na ibinibigay sa mga worker kung saan nasasaad ang kabuuang halaga ng kinita sa isang taon.
Bagaman hindi ito ibinibigay sa domestic job (dahil ang mga employer ay hindi maituturing na withholding agent) ang mga employer ay nananatiling may obligasyong magbigay ng isang sertipiko o ang ‘dichiarazione sostitutiva’ na magpapatunay ng kabuuang halaga ng sahod na ibinigay sa colf, caregiver o babysitter sa buong nagdaang taon.
Sa deklarasyon ay nasasaad ang halaga ng ibinigay na sahod sa naunang taon at ang ‘anticipated separation pay’, kung ibinigay man ito.
Ito ay nasasaad sa artikulo 33, talata 4 ng Collective National Contract.
Ang nabanggit na sertipiko ay kailangang ibigay sa colf 30 araw bago ang deadline ng submission ng dichiarazione dei redditi o income tax return.
Sa katunayan, sa pamamagitan lamang ng sertipikong nabanggit mapapatunayan ng colf ang pagtanggap ng sahod na mas mababa sa € 8,000, ang pamantayang halaga sa paggawa ng dichiarazione dei redditi o ang taxable income.
Ang pagkakaroon ng kita na hindi lalampas sa 8.000 euros sa isang taon, ay hindi obligadong gumawa o magsumite ng tax return o dichiarazione dei redditi.
Bukod sa mga colf, ang nasabing sertipiko ay mahalaga din para sa mga employer para sa anumang tax deduction sa dichiarazione dei redditi.
Ugaliin ring itago ang copia ng MAV o bollettini ng kontribusyon ng Inps. Ito ay mahalagang dokumento na nagpapatunay pagiging regular.