Dalawang buwan mula sa araw ng i-click day, ay inuumpisahan ng magpadala ng mga ‘nulla osta’ ang mga Immigration Office.
Roma – 25 March 2011 – Sa bawat probinsiya, matapos ang pagsusumite ng mga aplikasyon, ang mga lokal na Labour Office ay nagkumpirma na ang mga employers at ang kanilang mga kahilingan ay naaayon sa mga hinihingi ng batas, ang mga pulis (o Questure) ay kinumpirma rin ang hindi pagkakaroon ng mga criminal case o ng lumang order of deportation. Sa puntong ito ang Immigration Office ay nagre release ng clearance (o nulla osta) ,na nagsasabing: “Ok, ang empleyado ay maaaring makarating sa Italya.”
“Kami ay nagsimula dalawang linggo ng nakaraan. Mula sa Questura at Dpl ay dumating ang halos isang daan positibong kasagutan at maraming mga employer na ang tinawagan para sa pagbibigay o pagre release ng mga clearances. Sa ganitong paraan, tiyak na matatapos ang mga ito bago maglipat ng taon,” ayon kay Francesca Iacontini, Head ng Immigration office sa Milan.
Ang Milan ay ang lalawigan na may pinakamaraming request para sa direct hire, umabot sa 45,000. “Ang huling regularisasyon ay pinabagal ng maraming mga pekeng aplikasyon. Ngunit ang direct hire ay tila mas kakaunti ang pekeng aplikasyon , tila ang karamihan sa mga aplikasyon ay may tunay na may pagnanais na kumuha ng manggagawa mula sa ibang bansa. Nananatiling problema ang maraming hindi mabibigyan ng clearance o nulla osta. Para sa ilang mga nasyonalidad, ang mga quotas ay naubos ilang segundo pa lamang ang nakakalipas mula sa umisa ng click day. ”
Kahit sa Immigration Office ng Roma ay sinimulan na rin ang pag tawag sa mga unang appointments. “Aming hiniling sa Questura at Dpl na sabayang mag trabaho sa parehong request, upang ang resulta ng beripikasyon ay dumating ng sabay din at maaaring mag-isyu agad ng nulla osta. Nadagdag din kami ng oras ng pagtanggap sa publiko, sa ngayon ay tinatayang aabot sa limampung nulla osta bawat araw, ngunit ang maaaring umabot ng higit sa dalawang daan, ” ayon kay direktor Fernando Santoriello.
Ang trabaho sa releasing ng nulla osta ng direct hire, sa Roma tulad sa ibang dako, ay idinagdag bukod pa sa mga family reuninification at sa huling regularisasyon. At naaantala rin ng mga aplikasyon na nangangailangan ng karagdagang dokumentasyon ang trabaho: ” Isang malaking bahagi ng mga aplikasyon ang tapos nang beripikahin” dagdag pa ni Santoriello. “Sa ganitong mga kaso, ang employer na hinihingan na magsumite ng karagdagang dokumentasyon ay karagdagang oras at dobleng trabaho.”
Sa Naples naman ang pagtawag sa mga employer para sa releasing ng nulla osta ay hindi pa inuumpisahan. “Mag uumpisa kami sa mga susunod na araw, sa mga unang araw ng April”, pagsisigurado ni Gabriella D’Orso, head ng Immigration office.
“Kami ay nagpaplano na umpisahan ang direct hiring na hindi maaapektuhan ang ibang bagay. Lalo na sa family reunification na may isang malaking bilang sa mga nakaraang taon, ang imigrasyon sa lalawigan ay naging mahalaga at inumpisahan ng marami ang pagpapapunta sa Italya sa mga miyembro ng pamilya. ”
Ang trabaho ay patuloy na nadadagdagan ngunit ang human resources ay nananatiling pareho? Paano hindi babagal ang sistema? “Ang Ministry of Interior ay dapat magdagdag ng mga pansamantalang manggagawa na maaaring makatulong sa lahat ng mga aming ginagawa,” pagpapaliwanag ni D’Orso. Pinahintulutan ng pamahalaan ang awtorisasyon ng higit ng isang buwan ang nakalipas ,ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring karagdagang balita ayon sa mga karagdagang manggagawa.
Dapat na malaman na ang releasing ng nulla osta ay isang parte lamang at hindi katapusan ng trabaho.
“Matapos ang isang ok ng Immigration office, ang pamamaraan ay malilipat sa sariling bansa para sa releasing ng working visa ng mga manggagawa. Ngunit sa ilang bansa, ibinibigay ang appointment ng mga consulates sa loob ng tatlong buwan at ang may iba pang mga kontrol na ginagawa na nakakadagdag sa panahon at maaring magresulta sa isang pagtanggi, ” ayon kay Salvatore Mascia, isang abugada.
Sa medaling salita, ang mahabang panahon ng paghihintay ng direct hire ay nagsimula na. At ito ay magandang balita. Ngunit upang malaman ang araw ng pagpasok ng worker sa Italya, ay wala pang kasagutan.