in

Direct Hire 2010, madaling matatapos – MARONI

Ministry of Interior. ‘Tagumpay ng tatlong araw ng click day. Sportelli Unici, nagbeberipika na ng mga aplikasyon’

Nasiyahan ang Interior Minister na si Roberto Maroni sa kinalabasan ng tatlong click days at kumbinsido sya na ang pagproseso ng mga aplikasyon ay magiging mabilis. Binanggit ito ng MinIster kahapon sa Senado sa kanyang paguulat at pagbibigay impormasyon sa naging rIsulta ng ‘direct hire 2010’.

Sinabi ni Maroni na umabot ng 396,802 ang mga dumating na aplikasyon; kung saan 326,425 ay nagmula sa mga bansang may kasunduan sa Italya, nahahati sa 231,987 para sa mga domestic jobs (28,189 care givers at 203,798 colf) at 94,438 para sa subordinate jobs: 63,147 ang mga aplikasyon para sa quota ng domestic jobs, na hinati sa 55,443 para sa colf at 7,704 caregivers, ang mga natitirang 7,230 ay para sa mga conversion ng mga permit to stay at para sa mga umatend ng formation at para sa mga may lahing Italyano.

‘Gusto kong linawin – dagdag pa ng ministro – na ang sistema ng pagkuha at pamamahala ng mga aplikasyon ay mabisang tumugon sa malaking bilang ng mga aplikasyong dumating on line mula sa unang unang segundo ng umpisa ng procedure. Base sa pamamahagi ng quotas sa mga lalawigan, ay sinimulan mula noong Martes ng Ministry of Labour at Social Services, ang pagsisiyasat sa mga aplikasyong natanggap, ang pagbibigay ng opinyon ng mga Provincial Labour OfficeS, pulis (o Questura) at ng mga Training center (o Centri per l’impiego).

‘Ang sistema , sa pagkatapos ni Maroni – ay hindi huminto tulad ng dinaing, kinatakutan at inisip ng marami. Mahusay ang naging pasilidad ng Ministry of Interior, na nakatulong upang epektibong matanggap ang lahat ng aplikasyon. Ngayon naman ay haharapin ang pagpaparating sa mga manggagawa, mabuti na lamang at pinahintulutang mai-renew ang kontrata ng 650 mga manggagawa, na makakatulong upang mabilis na tapusin ang pagsisiyasat sa mga aplikasyon’.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

D’Alema (PD): ‘Bagong batas ukol sa migrasyon’

‘PAHIRAPAN ANG NOMAD’ ISANG RASISTANG PALARO SA FACEBOOK