Sa Veneto naman ay isa bawat labingtatlo. Isang pagsasaliksik ayon sa Fondazione Moressa.
Roma – Apat na raang libong mga aplikasyon para sa isang daang libong available na quota lamang ng direct hiring 2010, nangangahulugang isa lamang bawat apat na aplikasyon ang papalarin. Ngunit sa North ay mas mahirap ang sitwasyon, dahil isa lamang sa bawat anim na aplikasyon ang papalarin at isang mas negatibong rekord naman para sa Veneto: isa sa bawat labintatlong aplikasyon.
Ito ay ayon sa sinulat ng Foundation Leone Moressa, na kinuha ang mga detalye mula sa pinakabagong numero na ibinigay ng mga Ministries of Interior at Labour ng direct hire 2010. Ibinase ng mga mananaliksik, sang-ayon sa mga aplikasyong pumasok sa loob ng tatlong araw ng click day at sa entry quotas na inilaan para dito.
Sa hilagan, kung saan higit sa 64.1% ng mga aplikasyon ang isinumite, ay 46.7% na ang naipamahagi, na nangangahulugan na, sa lahat ng mga aplikasyon sa Norte ay 15.8% lamang ang magiging mapalad, habang sa Central at South ay papalarin lamang ang 32.8% at 31.4% ng mga aplikasyon.
Sa Lombardy region kung saan may pinakamalaking bilang ng mga aplikasyon (116,306 o 29.5%) at kung saan iginawad ang pinakamataas na bilang o quota para sa mga banyagang manggagawa (19,215 o 22.5%), ngunit 16.5% lamang ng mga aplikasyon ang papalarin. Sa kabilang banda, ang Emilia Romagna at Veneto ay ang ikalawa at ikatlong rehiyon sa Italya para sa bilang ng mga aplikasyon ay iginawad lamang ang 7.8% at 4.1% ng bilang. Muli ang pagitan ng bilang o quota at aplikasyon ay mas mababa ang average at aabot lamang ng 13.1% at 7.5%.
Kabaligtaran sa mga rehiyon tulad ng Puglia, Lazio, Marche at Basilicata, at ang ratio ng bilang o quota at aplikasyon ay mas mataas (62.5%, 40.0%, 39.4% at 35.4%). Sa ilang mga rehiyon na ito ay may nakalaan na mas maraming bilang o quota kumpara sa pumasok na aplikasyon.Sa Lazio ay ipinamahagi ang 17.6%ng quota, na sinusundan ng Piedmont (8.2%) at Emilia Romagna (7.8%), Puglia (6.7%) at Campania (6.4%).
Ang Roma at ang Milan ang mga lalawigan na kung saan ay itinalaga ang pinakamalaking bilang, ayon sa 15.2% at 10.6% ng kabuuan, na may 13,000 bagong entries sa kabisera at 9000 naman sa Milan. Sinusundan ng Turin, Brescia at Bari, gayunpaman kung paghahambing ang quota na ipinamahagi at mga application, ang unang lugar ay ang Benevento, Avellino, Vibo Valentia at Brindisi, mga lugar kung saan higit sa 70% ng mga aplikasyon para sa mga entry na ito na isinumite ay matutugunan. Kabilang sa mga probinsya sa hilaga ay ng Cuneo at Asti lamang ang may katulad na resulta.
"Ang krisis ay nagpahiwatig kung paano ang mga dayuhan ay naging mahina sa merkado, ngunit ang pangangailangan para sa mga banyagang manggagawa ay tila hindi huminto. Ang direct hire ng 2010, na makakatugon lamang sa isa bawat apat na aplikasyon, ay nagpapakita lamang ng puwang sa pagitan ng aplkiasyon isinumite at ng mga bilang na inilaan sa buong bansa”, sinulat ni Valeria Benvenuti mula sa Fondazione Leone Moressa.
"Hindi ito dapat bale walain – dagdag pa ng mananaliksik- na ang halos 2 milyong mga dayuhan sa Italya ang kakailanganin sa susunod na dekada (estima ng Ministry of Labour) ito ay nangangailangan ng isang pagbabago sa migration policy: isang mas higit na flexibility ng pamamahagi ng mga quota para sa isang mas maayos na pagharap sa pagitan ng supply at demand ng trabaho, sa pamamagitan ng isang mas mahabang panahon ng research sa bagong trabaho matapos ang krisis. "