in

Direct Hire: Turco: “Gobyernong Italyano nagkailà sa sarili

 

“Sa loob ng dalawang taon, wala anumang sinabi sa mga dayuhan, sa ngayon kinumpirma na ang Italya ay nangangailangan sa mga ito”. “Dapat magdala ang Pd ng mga bagong citizens sa Parlamento”.

Roma – “Ang direct hire ay malinaw na pagsalungat sa “government policy” sapagkat sa loob ng dalwang taon ay nahinto ang pagpapapasok sa mga dayuhan sa bansa at sinabi na “itigil na ang mga dayuhang manggagawa, unahin muna ang mga Italians”. Isang kampanya na lumikha ng matinding pinsala, at ngayon napilitan ang gobyerno na mag-step backward” dahil mismo sa pwersa ng katotohanan ang nagtulak na gawin ito”.

Ganito ang mga pag-isip ni Livia Turco, Immigration Officer ng PD. “Hindi sa tingin ko – sa isang interview sa Stranieriinitalia.it – hindi malulutas ng ganap ang problema sa pangangailangan ng bansa sa mga imigrante ng direct hire.”

Ito ang nasa isip ni Livia Turco, Immigration Officer ng Democratic Party, na sa unang araw ng click day ay dapat makarating sa Italya (o ma-legalize) ang 100,000 na migranteng dayuhan.

Mas mainam na huli kaysa wala, di po ba?

“Hindi ako naniniwalang solusyon ito sa paglutas ng mga problema nang “job matching” sa mga dayuhan sa ating bansa. At grabe na ang decreto flussi ay hindi dumaan sa kongreso at naisagawa ito sa labas political migration program na nakasaad sa Consolidated Act on Migration. Ang isang tunay na plano ay napakahalaga para mapamunuan ang legal migration at labanan ang takot ng mga mamamayan”.

Inyong nabanggit ang pangangailangan sa mga dayuhang manggagawa. Ngunit mayroon ba, sa halip, na pangangailangang muli na magbigay ng permesso di soggiorno sa libo-libong iligal na dayuhan sa bansa?

“Parehong meron. May pangangailangan sa mga bagong manggagawang dayuhan, ngunit kailangan din ayusin ang posisyon ng maraming hindi regular. Mga irregular subalit hindi mga delingkwente, resulta ng pinagsamang pinsala ng isang kampanyang nagpahinto ng legal na pagpasok ng mga dayuhan at ang masalimuot na mga pamamaraan na siyang nagtutulak sa mga kumpanya at pamilya upang mag-employ ng mga manggagawa nang walang kontrata”.

Humingi ba kayo sa Parliyamento ng isang bagong regularisasyon?

“Kami ay nagharap ng isang agenda (ODG) at isang panukalang-batas (disegno di legge) sa regularisasyon para sa mga sektor na mataas ang pangangailangan sa mga trabahor na migrante at mataas ang porsiyento ng mga hindi regular, tulad ng agrikultura at pagawaan. Sa katunayan gusto namin palawakin sa iba pang mga sector, na kinilala ng gobyerno, ang ginawang regularisasyon para sa mga colf at caregivers. Ipagpipilitan pa rin namin ang mga ito.”

Natugunan ba nang direct hire ang mga pangangailangang ito?

Oo, ngunit bahagya at hindi sapat na kasagutan. Bukod dito, ang mga manggagawang nasa Italya na ay dapat pang bumalik sa sariling bansa upang kunin ang visa, isa sa pahirap na pamamaraan, gastos at hirap.

Nagsimula na ang italian language exam para sa carta di soggiorno. Tama bang hingin sa mga migrante na malaman ang ating wika?

Sa tingin ko ay kailangan. Higit sa lahat, ito ay isang magandang pagkakataon na ibinibigay sa lahat ng migrante, isang isyu na hindi dapat matapos lamang sa isang pagsubok. Hinahangad  namin ang isang pamamaraan sa pagtuturo ng wika at kulturang Italyano sa mga dayuhan, mga libreng kurso na inihanda ng mga lokal na awtoridad. Ang mga migrante ay dapat na nagagabayan at napangangalagaan, sila ay dapat magkaroon ng mga pagkakataon at hindi dapat responsablidad ng mga volunteers o CTP Permanent Territorial Centers, na naapektuhan sa pagbabawas ng pondo sa mga paaralang pampubliko.

Ang mga taong nagtatrabaho ay maaari bang makahanap ng oras upang matutunan ang Italian language?

Ang aming mga plano ay nagbibigay din ng posibilidad sa mga kompanya na magkaroon ng mga kurso na maaaring gawin ng mga migrante sa loob ng150 oras na pag-aaral, may bayad at hindi kakaltasin sa sweldo na ibinibigay para sa pag-aaral. .

Sino ang magbabayad ng kurso?

Kami ay naglaan ng 30 milyony euro mula 2011. Dapat may “public fund” na kung saan ay pinagkasunduan ng gobyerno at rehiyon, maaaring tingnan ang posibilidad na pagsamahin ang private resources at bahagi ng mga kontribusyong ibinayad ng mga dayuhang manggagawa sa Inps.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang ibig sabihin ng pag-upa at ng kontrato?

MGA DAPAT MALAMAN SA PAHULUGAN