in

DIRECT HIRING, Meron na ba?

DIRECT HIRING, Meron na ba? ‘Isang kasinungalingan’, ayon kay Natale Forlani, Director General sa Immigration sa Ministero al Lavoro e Politiche Sociale. Pangungusap na dapat paniwalaan ‘dahil kung may mga nagaganap na usapin ukol sa Direct Hiring, ito ay nagaganap lamang sa loob ng aking tanggapan’, dagdag pa ni Forlani.

Umaabot ng 280,000 ang mga estrangherong nawalan ng hanapbuhay dulot ng kasalukuyang krisis sa ekonomiya. Nangangailangan  ng higit na panahon ang kanilang pangangailangan ng bagong trabaho kaysa sa direct hiring. Alalahanin natin ang ang pagkawala ng hanapbuhay ay ang dahilan ng pagiging hindi regular at pagkawala ng permit to stay, pahayag pa ni Forlani sa Stranieri in Italia.

‘Tinatayang hanggang katapusan ng taong ito, hindi maglalabas ng dekreto  sa direct hiring bagkus may posibilidad na magpapasok lamang sa bansa ng mga kategoriyang tulad ng ‘stagionali’ at mga propesyunal. Hindi ito maitutulad sa mga naunang dekreto kung saan napakaraming aplikasyon ang aming tinaggap’, paglilinaw pa ni Forlani.

Walang katotohanan ang mainit na balita ukol sa direct hiring sa halos dalawang linggo na. Naging mapaiit naman ang pagtanggap dito ng iba’t ibang labor union. ‘Mas makabubuti na gawing regular ang mga kasalukuyang walang permit to stay na may matatag na hanapbuhay’, pahayag ni  Piero Soldini ng Cgil at ni  Liliana Ocmin ng Cisl. Ngunit sa kasalukuyan, ito ay pansamantalang kinalimutan.

Ang mga pahayag na ito ni Forlani ay naglilinaw na walang regolarization o direct hiring na maaaring maganap sa mga panahong ito. Mga bagay na magdudulot ng labis na kalungkutan sa mga nangangarap makarating ng Italya o ng isang permesso di soggirono.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFW, natagpuang patay sa eroplano

Limang milyon, mga imigratong regular