in

Disinfestation, gagawin sa Bologna dahil sa ika-limang kaso ng Dengue

Magkakaroon ng isang disinfestation mula ngayong gabi hanggang August 10, matapos maitala ang isa na namang kaso ng Dengue sa Bologna. Ito ay ang ika-limang kaso matapos ang apat na kasong naitala noong buwan ng Hulyo.

Ang balita ay mula sa Munisipalidad ng Bologna at ayon pa dito, ang kasong nabanggit ay mula sa ibang bansa.

Ang disinfestation ay gagawin una sa paligid ng bahay kung saan residente ang biktima ng dengue. Ito ay upang maiwasan ang pagkalat nito. Ang mga lugar na sakop ng disinfestation ay ang vie Gioacchino Belli, Carlo Porta, Cesare Albicini, bahagi ng via di Corticella, Giuseppe Giusti at Marziale.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng Munisipyo ang mga residente, mga tagapangasiwa ng mga condominiums at mga commercial operators na pahintulutan ang access sa mga magsasagawa ng disinfestation sa araw at isara naman ang mga bintana sa gabi.

Basahin din:

DOH idineklara ang National Dengue Alert sa Pilipinas 

Dengue fever, ano ito?

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang Ipinanganak at Ikinasal sa Italya, walang record sa PSA!

Pinay, patay matapos mahulog mula ika-apat na palapag