Ito ay ayon sa Hukuman ng Milan, ang seksyon ng trabaho, na tumanggap sa apila ng CGIL, CISL at UIL ng Milan, Naga, APN, Arci, Comunità Nuova Onlus, kasama ang isang manggagawa Tunisiano laban sa Ministry of Interior at sa Prefecture ng Milan.
Milan – Ang hadlangan na makumpleto ang proseso ng libu-libong mga dayuhan na magkaroon ng regular na posisyon sa Italya sa huling Amnesty (Sanatoria) dahil sa krimen ng hindi pagsunod sa isang order of expulsion (sa pagkakatanggap ng foglio di via) – krimen na nilinaw at kinansela ng Europe Court of Justice dahil salungat sa Human Rights, ndr – ay isang malubhang diskriminasyon.
Para sa hukom, sa isang pahayag ng mga unyon ay nasasaad “ang posisyon ng Ministry ay isang deskriminasyon na naghahadlang sa estranghero ng isang pantay na kundisyon na isa sa mga karapatan nito […] Ang pagtangging ipagkaloob sa isang taong may karapatan sa regularisasyon ay katulad ng hindi pagbibigay sa dayuhan ng anumang karapatan sa ilalim ng prinsipyo ng pagkakapantay-pantay”.
“Isang konklusyon, matibay na akusasyon ng diskriminasyon, matapos umatras ang Ministry of Interior sa Court of Justice, sa Consiglio di Stato (main legal, administrative and judiciary body in Italy) at ngayon naman ay sa Giudice di lavoro (o Hukuman para sa trabaho): isang panibagong kumpirmasyon ng pagiging labag sa mga karapatang pinagtibay ng Kongreso sa imigrasyon. Ayon pa sa Hukom, bukod dito ay maaaring humingi ng danyos ang dayuhan kung mapapatunayan na nawalan ito ng hanapbuhay o nahirapang humanap ng panibago dahil sa naging posisyon ng Ministry”.