in

DOLE-AKAP Financial Assistance, narito ang online application para sa mga Ofws sa Rome at Southern Italy

Maaring mag-apply ONLINE ang mga OFWs na taga Roma at Southern Italy ng DOLE-AKAP Financial Assistance. Narito ang link.

Simula April 14, 2020 ay maaari nang mag-sumite ng online application sa ilalim ng DOLE-AKAP Program.

Ang DOLE-AKAP Program for OFWs ay ang Financial Assistance para sa mga displaced OFWs o mga nawalan ng trabaho dulot ng Covid19. 

Magkano ang makukuhang financial assistance?

Ang mga covered at qualified OFWs ay makakatanggap ng one-time financial assistance sa halagang 200USD o ang katumbas nito sa Euros. 

Sino ang mga OFWs na covered ng DOLE-AKAP Program?

  • landbased or seabased workers
  • documented or regular – ibig sabihin nito, na-process or na-verify ng POEA or POLO ang employment contract ng worker
  • OR dating documented worker na naging undocumented worker (i.e.,dating na-process ng POEA or POLO ang contract of employment ngunit hindi nakapagpa-verify uli ng kontrata nang nagpalit ng trabaho)
  • OR undocumented worker na gumawa ng aksyon para i-regularize ang kanilang contract of employment 
  • OR undocumented worker na active OWWA member sa oras ng pag-apply sa DOLE-AKAP Program. 

Gayunpaman, bago i-fill up at isumite ang iyong application para sa AKAP-DOLE Financial Assistance, mangyaring basahin ang Advisory para sa instructions. 

Dapat naka handa na ang mga isusumite na mga dokumento na i-aattach sa application form:

1. Scanned copy of signed Passport Bio-data page
2. Scanned copy of work permit
3. Scanned copy of qualification document: OEC o Verified Contract
4. Scanned copy of Proof of Job Displacement: Notice of Dismissal, Notice of Suspension, Notice of Closure of Business, or other documentary proof.

Maaring humingi ang POLO Rome ng karagdagang dokumento kung kinakailangan.

Kapag handa na, mangyaring mag-click sa button sa baba upang magpatuloy. 

Paano mag-apply ng financial assisatance under DOLE-AKAP Program?

Maaring mag-apply ONLINE ang mga OFWs na taga Roma at Southern Italy sa pamamagitan ng sumusunod na link:

Para sa karagdagnag impormasyon: 

Makipag-ugnayan lamang sa POLO Rome

POLO-Rome
Mobile: +39 320 851 5465
Email: services@polorome.com
Facebook Messenger: m.me/POLORomeIT

OWWA-Rome
Mobile: +39 320 851 5465
Email: rome@owwa.gov.ph; owwarome@yahoo.com 

POLO-Milan
Email: polomilan1@gmail.com

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ilang pamilyang Pinoy sa Roma, nakatanggap ng grocery supply mula sa Fukyo Protezione Civile

60 Lider ng iba’t ibang Organisasyon, sumulat sa DOLE at OWWA