in

Domestic job, pirmado ang renewal ng CCNL ngunit excluded sa benepisyo ng Decreto Lavoro 

Pinirmahan ang renewal ng collective contract sa domestic job para sa susunod na tatlong taon, 2023-2025, noong Mayo 4 ng Federproprietà, Uppi, Confappi, Feder.casa, Confimoreseitalia, Unicolf, Italpmi at Fesica-Confsal.

Ang nabanggit na Contratto Colletivo Nazionale del Lavoro o CCNL ay sumasaklaw sa mga manggagawang kaagapay sa pangaraw-araw na pangangailangan at pamumuhay ng mga pamilya, kabilang ang mga manggagawang nagtatrabaho sa mga religious communities, barracks, military commands, orphanages at mga homes for the aged.

Ang renewal ay inaasahan mula pa noong 2016 at matapos mapirmahan, ito ay may bisa simula Enero 1, 2023 hanggang Decembre 31, 2025.

Sa kabila ng naging renewal ng CCNL sa domestic job, ang mga colf at caregivers ay HINDI sakop ng mga benepisyong hatid ng inaprubahang decreto lavoro kamakailan ng Konseho ng mga Ministro. Sa katunayan, nilalaman ng decreto legge n. 48/2023, ang pagbabawas ng tax wedge o cuneo fiscale ay tumutukoy sa 6% na kabawasan sa kontribusyon na dapat bayaran ng mga workers na may kita o sahod na mas mababa sa €35,000 at ng 7% para sa sinumang may kita na mas mababa sa €25,000 gross income. Ang bawas buwis na ito ay inaasahang magbibigay na higit na sahod sa busta paga ng na  humigit-kumulang €100. Samakatuwid, walang bagong pagtaas sa suweldo ng mga colf at babysitters. 

Hindi rin sakop ang mga employers sa domestic job ng bagong recruitment bonus para sa mga kabataang Not in Education, Employment or Taring (NEET) hanggang 30 anyos. 

Bukod sa mga nabanggit, sa inaprubahang teksto na inilathala sa Opisyal na Gazette, ay tinanggal din ang mga bagay na papabor sa mga employers sa domestic job, na unang napapaloob hanggang sa mga drafts. Ito ay ang pagtaas mula sa kasalukuyang € 1,500 sa € 3,000 ng deductible amount sa domestic job. Ito ay tumutukoy sa fiscal advantage para sa mga emplyers sa mga naging gastusin sa sektor matapos tumaas ngayong taon ang minimum wage ng 9.2%.

Inasahan ding kasama sa dekreto ang pagpapalawig ng health surveillance sa domestic job sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga periodical check-up ng mga colf at caregivers bukod pa sa Inail coverage laban sa aksidente at injury sa trabaho.  

Gayunpaman, para sa depinitibo at opisyal na teksto, ay kailangang hintayin ang pagsasabatas ng nabanggit na dekreto. Sa panahon ng proseso ng parlyamento, sa katunayan, ay maaaring magkaroon pa rin ng mga pagbabago. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Decreto Lavoro, ano ang nilalaman? 

Mga aplikante ng Regularization 2020, tatawagan para pumirma ng employment contract