in

Domestic jobs at care givers, di lamang pang dayuhan

Pagbabalik ng mga Italians sa domestic jobs, mas may edad at mas mababa ang antas ng edukasyon kumpara sa mga dayuhan.

Makalipas ang ilang taong pagmo-monopolyo ng mga kababaihang migrante sa domestic jobs sa Italya ay tila nagbabago ang kalagayan sa nakaraang dalawang taon.

Sa katunayan, maaaring dahil sa krisis o maaari namang hindi, ang mga italyana ay bumabalik sa trabaho bilang domestic helpers at caregivers. Ayon sa isang report ng Republika, sa bawat 350 caregivers, 45 ang Italians. Ito ay isang tumataas na bilang at halos nadoble sa nakaraang dalawang taon.

Ang desisyong ito ay tila gawa ng pang-ekonomiyang krisis na nagiging dahilan ng paghahanap ng bagong mapagkukunan ng additional income para sa pamilya.

Para sa mga Italyana na pumili sa sektor na ito, ang kumpetisyon ay tunay na mabigat, tulad ng ipinaliwanag ng Republika, dahil ang mga dayuhang manggagawa, bukod sa marami at mas bata ay mas mataas ang antas ng edukasyon.

Sa katunayan, kung ang mga dayuhan ay halos lahat natapos ang kanilang pag-aaral sa mataas na paaralan at unibersidad, ang mga Italian ay may average lamang ng nakatapos ng mataas na paaralan. Kahit ang edad ng mga caregivers na Italyano at dayuhang kababaihan ay iba-iba, 51% ng mga kababaihang dayuhan ay halos under 40 yrs old, habang ang mga Italyano ay may edad 50-60 taon.

Ito ay dahil, ayon pa rin sa Republika, para sa mga Italyano ay isang hanapbuhay na madaling matagpuan lalo na sa panahon ng krisis na kung saan maraming mga kababaihan ang nawalan ng trabaho o may anak at asawa na na-layoff o natanggal sa trabaho.

Gayunman, ang nangingibabaw na bilang ng mga care givers ay mga dayuhan pa rin, tulad ng datas ng Censis, sa Italya ay may 71.6% ng mga imigrante na caregivers at domestic workers at karamihan ay nanggaling mula sa Silangang Europa: Romania ang una (19 , 4%), na sinusundan ng Ukraine (10.4%) at Moldova (6.2%) sa isang total na 1,500,000 manggagawa na kumikita ng mas mababa sa isang libong Euros sa isang buwan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pacquiao, na-feature sa MTV Cribs!

BALITANG PINAS – KASO NI REYES, SARADO NA!