Pirmado na ang ilang araw ng pinakahihintay na bagong DPCM o Decreto del Presidente del Consiglio dei Ministri. Ito ay simulang ipatutupad bukas, Biyernes November 6 hanggang December 3, 2020. Papalitan nito ang pinakhuling DPCM noong Oct 24.
Tulad ng unang ibinalita ng akoaypilipino.eu, ang Italya ay mahahati sa 3 bahagi, batay sa sitwasyon: Rossa, maximum risk; Arancione high risk at Gialla, average risk. Narito ang teksto.
Zona Giallo – Moderate risk
- Coprifuoco o Curfew mula 10pm hanggang 5am – Simula alas 10 ng gabi hanggang alas 5 ng madaling araw ay esklusibong pahihintulutan lamang ang dahilan ng trabaho at emerhensya ukol sa kalusugan. Bukod dito, mabigat na inirerekomenda sa lahat na iwasan ang paglabas ng bahay sa maghapon, gamit ang publiko at pribadong sasakyan, maliban na lamang kung dahil sa trabaho, pag-aaral, sitwasyon ng emerhensya para sa kalusugan o paggamit ng serbisyo na hindi suspendido.
- Isasara ang lahat ng mga centri commerciali o malls tuwing weekend. Mananatiling bukas ang mga pharmacies, tobacco shops, supermarket o minimarket at newsstands sa loob ng mga malls.
- May pahintulot naman ang indibidwal na pag-eehersisyo sa outdoors sa kundisyong gamit ang mask at malapit sa sailing tahanan.
- Kumpirmado ang DAD Didattica a Distanza o distance learning o video classes para sa lahat ng mag-aarala ng Scuola Superiore. Ang mga mag-aaral sa elementarya at high school o Medie ay patuloy na papasok sa mga paaralan gamit palagi ang mask.
- Isasara ang lahat ng mga art exhibits at museums sa buong bansa.
- Ititigil ang lahat ng concorsi pubblici o public competition.
- Isasara ang mga sale scomesse at mga sala slot.
- Smart working sa Public Administration at pribadong sektor.
- Ibabalik sa 50% ang maximum capacity ng mga public transportation.
Zona Arancione – Average risk
Para sa mga nasa Aranciane, lahat ng mga nabanggit sa zona verde at ang sumusunod:
- Ipinagbabawal ang pagpasok at paglabas mula sa mga lugar na nasa kategoryang ito.
- Sarado ang mga bar at restaurants (may pahintulot ang for take out)
- Mahigpit na inirerekomenda na iwasan ang paglabas ng bahay gamit ang pribado at publikong sasakyan maliban na lamang kung para sa trabaho, pag-aaral, kalusugan at emerhensya.
Zona Rossa – High risk
Para sa mga nasa zona rossa o maximum risk:
- Ipinagbabawal ang pagpasok at paglabas mula sa mga lugar na nasa kategoryang ito. Ipinagbabawal din ang sirkulasyon sa loob mismo ng lugar na ito maliban na lamang kung para sa trabaho, pag-aaral, kalusugan at emerhensyaIpinagbabawal din ang sirkulasyon sa loob mismo ng lugar na ito.
- Sarado ang mga bar at restaurants at lahat ng commercial activities;
- Mananatiling bukas ang mga serbisyo sa pangunahing pangangailangan.
- Mananatili ang pagpasok sa eskwela ng mga mag-aaral hanggang prima media o first year high school. (PGA)