in

Draghi at Speranza sa isang pagpupulong para sa bagong dekreto anti-Covid19

Draghi at Speranza sa isang pagpupulong para sa bagong dekreto anti-Covid19

Sa isang pagpupulong sa palazzo Chigi, kasama nina Premier Mario Draghi at Health Minister Roberto Speranza ang mga miyembro ng CTS na sina Locatelli at Brusaferro.

Inaasahan ang isang bagong dekreto sa susunod na linggo. Ito ay ang papalit o magpapatuloy sa mga restriksyon ng kasalukuyang dekreto na mananatiling balido hanggang sa April 6

Ayon sa ulat ng Ansa, pangunahing tema ng diskusyon ay ang spostamenti o ang sirkulasyon, at partikular ang paaralan na ayon sa ilang ministro ay dapat na manatiling bukas hanggang sa prima media kahit sa zona rossa.

Ang kurba ng coronavirus sa Italya ay tila bahagyang nabawasan sa mga nagdaang araw, ngunit ang mga biktima ay nananatiling marami pa rin, 551 sa huling 24 na oras. Numero na huling nakita noong January 19 kung kailan nagtala ng 603 na mga biktima. 

Sinusuri ng gobyerno ang unti-unting pagbabago sa mga hakbang pagkatapos ng Mahal na Araw, ayon sa kung ano ang mga magaganap sa pagsasailalim sa buong bansa sa zona rossa, sa pagtatapos ng kasalukuyang dekreto. 

Samantala, ayon sa ilang ministro ay kinakailangan ang paghihigpit tulad ng ginagawa ng Germany, na pinalawig pa ang lockdown sa bansa hanggang April 18, sa kabila ng mas kakaunti ang mga kaso at mga biktimang naitala kumpara sa Italya. Ito ay upang hindi makompromiso ang kasalukuyang pagbabakuna sa bansa. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

bakuna laban covid19 Ako Ay Pilipino

Bagong Vaccination plan, narito ang 5 prayoridad

Zona rossa, narito ang regulasyon sa Easter