Online ang free multilingual courses ng Ania Foundation para sa 'Sicurezza Stradale' na tatagal ng 12 leksyon sa pamamagitan ng magagandang lugar sa Italya. Ang mga mahuhusay ay maaaring gantimpalaan.
Rome – Enero 22, 2014 – Labindalawang stop over, mula Milan hanggang Palermo, upang makilala ang bansang Italya at lalong higit ang matutunan ang pagmamaneho ng ligtas sa kalsada. Magbibigay ng premyo sa mga pinaka mahuhusay: mula theory sa practical course, mismong sa kalsada.
Ang ANIA Foundation para sa Road Safety rules ay inilunsad kahapon ang Drive in Italy, isang proyekto ng free online formation course para sa mga imigrante, sa tulong ni Minister of Integration Cècile Kyenge. Ang kurso ay nasa 6 na wika: Italian, English, Romanian, Albanian, Arab at Chinese.
"Layunin ng proyekto, paliwanag ng Ania – ay ang ikalat ang kaalaman ukol sa mga panuntunan sa kalsada, ang isulong ang wastong pag-uugali sa pagmamaneho at ang praktikal na pagsasanay ng mga driver na maging ligtas sa harap ng mga panganib na maaaring harapin sa pagmamaneho. "
Ang mga datos na nagtulak sa kaganapan ng proyekto ay hindi kanais-nais: ang mga imigrante ay lumalabas na mas maraming aksidente kumpara sa mga Italyano. Bawat taon, halos 900,000 dayuhan ang nasasangkot sa aksidente. Nagunguna ang mga Albanians 13.3% sa bawat 100 insured, pangalawa ang mga Chinese (13,1%), Egyptians (12,1%), Moroccans ( 11.3 %), Romanians (11.1 %) at mga Tunisians ( 9.4 %). Ang average na aksidente naman ng mga Italyano ay 7.2 % sa bawat 100 insured.
Para makapasok sa kurso ay kinakailangan lamang ang umupo sa harapan ng computer, mag-log in sa website http://driveinitaly.smaniadisicurezza.it.
Ang mga kredensyal ay kinakailangan sa pagpapatuloy kung saan huminto sa kurso. Nagsisilbing instructor ang isang mannequin sa crash test, na sa pamamagitan ng video clips ay ipinapaliwanag ang mga pangunahing kaalaman sa ligtas na pagmamaneho at ang mga pangunahing panuntunan ng kalsada. Interactive ang mga leksyon at at sa katapusan ng kurso ay mayroong pagsusulit.
Ang kurso ay nahahati sa 12 leksyon at umiikot sa isang paglalakbay sa maraming lungsod sa bansa. Bawat lungsod ay ipinapakita bilang isang mini tour guide: ang kasaysayan, mga tourist spot, ang typical food at marami pang iba. At kung papasa sa final test, ay maaaring makatanggap ng virtual souvenir ng lugar na binisita.
Para sa mga dayuhan na magiging bahagi ng Drive in Italy, na bukas para sa lahat na mayroong driver’s license at balido sa Italya, ay mayroong 1000 kurso ng guida sicura sa Sele, sa Battipaglia (SA), Vallelunga, Campagnano di Roma at MWC Marco Simoncelli, at Misano Adriativo (RN). Ito ay mapapanalunan ng mga makakatapos sa online course na matataas ang total scores sa mga test sa bawat leksyon at sa final test.
“Maraming mga imigrante ang nagkaroon ng driver’s license sa sariling mga bansa, kung saan, ang mga road rules at panganib sa kalsada ay lubhang kakaiba. Samakatwid, ay mayroong gap o agwat sa impormasyon at formation na dapat isaalang-alang at ang Drive in Italy ang sagot sa mga ito” ayon sa president ng Ania na si Aldo Minucci. “Ang Italya ay nagbago na, isa na itong multiethnic country kung saan mayroong 5 milyong new Italians na bahagi na ng pag-unlad ng bansa. Ito ay isang kaganapan na dapat bigyang halaga ng mga insurance company, sa pakikinig ng kani-kanilang magkakaibang pangangailangan ng proteksyon”.
"Sampu ang mga namamatay kada araw na tila isang munting digmaan” ayon kay Cècile Kyenge, sa pagbibigay halaga sa “kultura ng pag-iingat”. “Magandang ideya – dagdag pa nito – ang ipakilala sa pamamagitan ng proyektong ito maging ang kagandahan ng bansang Italya, na pinili ng mga imigrante hindi lamang upang mag-trabaho kundi dahil pinili bilang bansa kung saan maninirahan. Tataas ang kamalayan sa mga panuntunan sa kalsada, tataas pati na rin ang pagmamahal sa bansang Italya . "
Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]