Ang Ministro ng Transportation: "Sa nakaraan, ang translation ay hindi tumpak at ang pagpili ng wika ay discriminating." Carra (CN): "Dahil dito maraming mga imigrante ay nagmamaneho nang walang lisensya"
Roma – Hulyo 9, 2012 – Walang pondo para sa translation. Para sa mga imigrante, ang test sa theory sa pagkuha ng lisensya ay mananatiling sa wikang Italyano lamang.
Ito ang kinumpirma ng Ministro ng Transportation Corrado Passera, sa pagtugon sa isang katanungan mula kay Senator Valerio Carrara, ng Coesione Nazionale. Ang ating naging karanasan sa nakaraan, ang transaltion ng mga pagsusulit sa pitong opisyal na wika ng Onu (English, French, German, Spanish, Russian, Chinese at Arabic), ayon sa kinatawan ng gobyerno "ay hindi naging positibo.
Ipinaliwanag ni Passera na ang dating sistema "ay mahal " at "sa kabila ng malaking gastos sa translation ', ay "kadalasan ang mga technical terms ay hindi wasto at hindi tumpak”. Ang ilang mga aplikante, ayon pa sa Ministro- ay kinumpirma ang ilang kamalian” na hindi nagawang itama ng ministero dahil sa kawalan ng mga translator.
Mayroon ding, "sa kabila ng pagiging mula sa bansang gumagamit ng isa sa 7 wika, ay hindi naintindihan ang quiz dahil ito ay translated sa dialect at hindi sa ufficial language ng bansa. “Bukod pa rito, "ang mga wika sa naunang pamamaraan ay hindi angkop sa mga pangunahing komunidad na nasa bansa tulad ng Romanians, Polish, Albanians, Indians, Bangladeshi, Portogese, ay tila discriminating – paliwanag pa ni Passera – na nilaan ang translation sa piling wika lamang at isinantabi, ng walang intensyon, ang transposition ng ilang idioms.
Ayon kay Carrara, ang paggamit ng wikang Italyano lamang sa pagsusulit ay naghatid ng tila sakunang resulta: ang mga non-EU applicants na nakapasa sa quiz ay iilan lamang, samantalang kung ang test ay ginawa sa kanilang sariling wika ay maaaring nagpahintulot sa mga itong maipasa ang quiz.
"Maraming mga non-EU applicants- ayon pa sa Senador ng CN – ay naghanda sa theory at practical test. Ngunit sa ngayon ay hindi sila makakuha ng lisensya ngunit makikita sila sa kalsada gamit ang lisensysa sa sariling bansa o walang lisensya. Upang makumpirma ang lahat ng ito, sumangguni lamang sa mga datas ng Forse dell’ordine sa huling dalawang taong nagdaan, na malinaw na nagpapahiwatig na nadagdagan ang mga driver nang walang lisensya o irregular license"