Nicodemi: “Ang 6% ng mga operasyon ay pawang mga imigrante, karamihan ay mga Chinese”. Kahit mga colf ay pinag-iipunan ang pagkakaroon ng mas malaking dibdib.
Roma – Mayo 22, 2012- Perpektong dibdib, naglahong mga wrinkles sa pamamagitan ng magic, pati na rin ang di-gasinong singkit na mga mata, marahil upang maging mas mukhang Italians. Mahaba na rin ang listahan ng mga imigrante sa cosmetic surgery.
“Ang 6% ng mga operasyon ay pawang mga dayuhan,” ayon kay Ezio Maria Nicodemi, head ng plastic surgery sa IDI Roma – Istituto dermopatico dell’Immacolata. “Ang mga request ng surgery mula sa mga imigrante na naninirahan sa Italya – dagdag pa nito – ay dumadami, lalo na ang mula sa mga Chinese.
Ang mga Chinese ay karaniwang mayroong partikular ng request: “Ang magkaroon ng matang tulad ng mga Occidentals”. Dahil dito – paliwanag ni Nicodemi – ang operasyon ng karamihan ay ang blepharoplasty, o ang paggawang muli ng takipmata sa pamamagitan ng pag-alis ng mga strips ng balat. Kadalasan ay magkakasama silang nagpupunta ng klinika at karamihan sa kanila ay nabibilang sa mataas na kategoriya ng komunidad. Sila ay karaniwang mga negosyante na mayroong sariling commercial business at bar”.
Ang pagnanais na magustuhan ang sarili, gayunpaman, ay walang border lines. Marami ring request mula sa mga kababaihan ng East Europe, Russia at nangunguna ang Poland na karaniwang humihiling ng fillers at botulinum toxins upang takpan ang mga wrinkles at ibalik ang kinis ng mukha, at higit sa lahat ay karagdagan sa dibdib. Ang mga colf at caregivers ay kasamang nagnanais nito, maaaring nagtitipid ng husto at hindi nagpapadala sa kanilang bansa ng kanilang kinita.