in

€ 500, halaga ng Regularization

Inilathala na sa Official Gazette ang pinakahihintay na Regularization.

Ang Regularization ng mga mangagawang dayuhan, sa agricultural at domestic sector ay magkakahalaga ng €500 bawat manggagawa at hindi €400 tulad ng unang ibinalita. Ito ay ang kontribusyon na kailangang bayaran sa pagsusumite ng aplikasyon simula June 1 hanggang July 15, 2020 upang tuluyang magkaroon ng isang contratto di lavoro subordinato ang mga dayuhang idedeklarang nasa ilalim ng lavoro nero

Ito ang nasasaad sa artikulo 103, “Emersione di rapport di lavoro” ng DL Rilancio.

Ang regulasyon, ay nagbibigay din ng posibilidad  sa mga dayuhan na mayroong permesso di soggiorno na expired mula October 31, 2019 ang mag-aplay ng permesso di soggiorno temporaneo, na balidong lamang sa bansang Italya ng anim (6) na buwan mula sa pagsusumte ng aplikasyon. Kaugnay nito, ang mga dayuhan ay kailangang patunayan ang pananatili sa bansa ng March 8, 2020, at hindi na muling lumabas ng bansa at nag-trabaho sa sektor ng: agrikultura, livestock o ang pag-aalaga ng mga hayop, (allevamento), zootechnics o ang pag-aaral ng mga hayop, pangingisda (pesca), aquaculture, caregiving at domestic job bago ang October 31, 2019. 

Bukod sa €500, ay nasasad din ang pagbabayad ng lumpsum ng mga dapat bayaran ng employer tulad ng sahod, kontribusyon at buwis, na itatalaga, pati ang paraan ng pagbabayad, sa pamamagitan ng Implementing rules ng Ministry of labor, kasama ang Ministry of Economy at Finance, Ministry of Interior at Ministry of Agricultural and Forestry Policies. (stranieriinitalia.it)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization, nasa Official Gazette na!

Halos 100 milyong euros, halagang ipapasok ng Regularization