in

€ 6,000 bonus mula sa EU, para sa bawat masasalba na migrante

Isang bagong inisyatiba mula sa Brussels ang may layuning kumbinsihin ang mga EU member States na tanggapin ang mga imigrante sa pamamagitan ng tulong pinansyal na ibibigay nito bilang kapalit.

Ito ay tumutukoy sa isang bonus na nagkakahalaga ng € 6,000 na inilalaan ng Europa sa bawat migrante, hanggang 500 imigrante, na tatanggapin ng anumang member State bilang kapalit sa pagsalba nito sa Mediterranean.

Tulad ng nabanggit sa Financial Times, ito umano ay isang paraan upang makumbinsi muli ang Italya na magbukas sa mga bagong dadagsang migrante.

Samantala, ang bagong panukala ay nagpagalit naman kay Interior Minister Matteo Salvini at ipina-alalang “bawat asylum seeker ay nagkakahalaga mula € 40,000 hanggang € 50,000” at samakatwid ay malaki ang diperensya sa pagitan ng dalawang halaga: ang bonus at ang tunay na halaga ng gastusin”.

Sa kanya na lamang ang kanyang bonus”, ayon pa kay Salvini.

Matibay ang pasya ni Salvini: “Nais naming tapusin ang pagdagsa ng mga imigrante at ubusin ang libu-libong nabinbing aplikasyon ng mga asylum at international protection seeker. Hindi kami humihingi ng pera, ang aming kailangan ay dignidad at ito ay unti-unti naming nababawi sa pamamagitan ng aming sariling mga kamay“.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MGA DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA LOW BLOOD PRESSURE O HYPOTENSION

Italian language exam bilang requirement sa aplikasyon ng Italian citizenship, bagong panukala