Kabilang din ang mga colf, caregivers at babysitters sa mga kategorya ng mga manggagawa na may karapatan sa € 200,00 bonus na napapaloob sa pinakahuling Decreo Aiuti ng gobyerno ni Draghi.
Sa ngayon tinatayang aabot sa 920,000 ang mga domestic workers sa Italya na maroong regular na employment contract at tumatanggap ng kabuuang taunang kita na mas mababa sa € 35,000.
Sino ang magbibigay ng bonus?
Tiyak na hindi ang mga employers ang magbibigay ng bonus sa mga domestic workers dahil ang mga employers ay hindi tumatayong withholding agent o sostituto d’imposta.
Posibleng ang bonus ay matanggap ng mga colf direkta mula sa Inps o sa pamamagitan ng 730 tulad sa bonus Renzi na €80,00.
Maaari bang tumanggap ng bonus ang colf na HINDI regular o lavoro nero?
Hindi. Ang bonus ay eksklusibong ibibigay ng gobyerno sa mga regular na workers or mayroong employment contract.
Ano ang requirement upang matanggap ang €200,00?
Upang matanggap ang €200,00, ang domestic worker ay dapat na mas mababa sa € 35,000 ang kabuuang taunang kita.
Gayunpaman, kasalukuyang hinihintay ang opisyal na mga detalye ukol sa pamamaraan at panahon ng pagtanggap ng €200,00 bonus ng decreto aiuti.
Basahin din:
- Bonus €200,00, matatanggap din ng mga colf!
- Bagong bonus na € 200,00 – paano mag-aplay at kailan matatanggap?
- Bonus Trasporto ng Decreto Aiuti, para sa mga manggagawa at mag-aaral