in

Earth Hour 2016

Sa Sabado March 19 ay papatayin ang mga ilaw sa maraming lungsod sa Italya at sa buong mundo bilang paglakok sa Earth Hour 2016.

 

Ano ang Earth Hour?

Ang Earth Hour ay isang pandaigdigang taunang kaganapan na inorganisa ng WWF na layuning imulat ang public opinion ukol sa pagpapahalaga sa kalikasan tungo sa preserbasyon ng enerhiya sa mundo, gayun din ang paglaban sa climate change. 

Papatayin ang mga ilaw simula 8:30 hanggang alas 9:30 sa Sabado ng gabi, March 19 sa mga pangunahing simbolo ng mga mahahalagang lungsod sa mundo tulad ng Paris, Rome at Sydney.

Ngayong taon ay ang ika-sampung taon ng Earth hour. Ito ay nagsimula noong 2007 sa Sydney, ang nag-iisa at unang lungsod na nagpatay ng mga ilaw. Makalipas ang isang taon, naging popular ito sa ibang bansa at nilahukan ng humigit kumulang sa limampung milyong tao sa buong mundo, mula sa tatlumpu’t limang bansa. Ilang mga sikat na destinasyon at panturismong atraksyon sa mundo tulad ng Sydney Harbour Bridge, CN Tower sa Toronto, Golden Gate Bridge sa San Francisco, at ang Colosseum sa Roma, ay nakiisa sa pagsasara ng mga ilaw.

Noong nakaraang taon ay pinatay ang mga ilaw sa 7000 cities at 170 countries kung saan halos 2 bilyong katao ang lumahok.

Earth Hour sa Italya

Bukod sa halaga ng inisyatiba ng Earth hour, ay maganda rin ang matutunghayang visual presentation”, ayon sa representative ng WWF.

Sa Roma ngayong taon ay papatayin ang mga ilaw sa Fontana di Trevi. At sa pagpatay ng mga ilaw nito ay kukulayan virtually ang kilalang fountain sa pamamagitan ng led visual presentation.

Samantala, sa hapon sa plasa ay magkakaroon ng awareness campaign ukol sa tema bukod pa sa maaaring magpa-picture kay Panda na mayroong Earth hour special frame bilang inisyatiba sa social network.

Bukod sa Fontanan di Trevi ay papatayin din ang mga ilaw sa St. Peter’s Basilica at Colosseum. Pati sa Montecitorio, Madama, Palazzo Valentini. Bukod sa Roma, Milan at Turin ay tinatayang 100 monumento ang papatayan ng ilaw at 200 Comune ang lalahok sa Earth Hour 2016.

Narito ang ilang mahahalagng simbolo/monumento ng Italya na magpapatay ng ilaw:

  • Maschio Angioino (Napoli);
  • scalinata del Pincio (Bologna);
  • Castello Sforzesco (Milano);
  • Palazzo del Governatore (Parma);
  • Piazza del Campo (Siena);
  • Piazza San Marco (Venezia);
  • Arena di Verona;
  • Parco Nazionale della Majella (Abbruzzo).

Lalahok din sa Earth hour ang Marina Militare Itliana, Federazione Italiana di Rugby, Nazionale Azzurra at marami pang iba.

Bilang indibidwal sa sariling bahay ay maaaring lumahok sa pamamagitan ng dalawang paraan:

  1. pagpatay ang mga ilaw at ilan pang mga kagamitan sa bahay o opisina na hindi kinakailangan sa loob ng isang oras.
  2. piliin ang isang light dinner tulad ng seasonal at bio products.

Mahalaga ang partesipasyon ng lahat dahil upang labanan ang climate change ay mahalaga ang kontribusyon ng bawat isa sa temang: “This is our time to #ChangeClimateChange…our future starts today”.

PGA

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Romans muna”, ang programa ni Giorgia Meloni bilang Mayor ng Rome

Visa-free countries for Filipino citizens in 2016