Nagbigay na ng go signal ang European Medicines Agency o EMA sa paggamit ng Johnson & Johnson Covid19 vaccine. Ayon sa mga pag-aaral, ay tunay na mayroong posibleng side effect ang bakuna ng ‘napakabihirang‘ kaso ng blood clot o trombosis. Sa kabila nito, ayon sa EMA ang benepisyong hatid ng bakuna ay nananatiling higit kaysa sa posibleng panganib nito.
Tulad ng nababasa sa isang komunikasyon mula sa EMA, ay binibigyang diin na “ang benepisyong hatid nito ay higit kaysa sa panganib. Nagsagawa ng mga pag-aaral matapos ang ilang kasong naitala ng cerebral thrombosis sa US at ang lahat ng kaso ay may edad under 60 at naganap sa loob ng 3 linggo matapos ang araw ng bakuna at karamihan ay mga kababaihan. Batay sa kasalukuyang mga ebidensya, ang mga specified risk factor ay hindi kumpirmado“, ayon pa sa EMA.
Ayon pa sa Security Committee ng EMA ay dapat idagdag sa package insert ng Janssen ng Johnson & Johnson ang babala ng bihirang blood clot sa mababang blood platelets. Ito ay dapat na kasama sa mga bihirang side effects ng bakuna. Bukod dito, binigyang diin din ng EMA na ang ilang kasong naitala matapos ang bakunang Janssen ay halos kapareho ng mga kasong naitala sa bakunang AstraZeneca.
Sa kabila ng mga ito, “ang batayan ng siyentipikong pagsusuri ng EMA ay ukol sa ligtas at mabisang paggamit ng mga bakunang Covid-19 at ang mga rekomendasyon ng EMA ay ang batayan ng bawat bansa ng EU sa pagpapatupad ng vaccination campaign ng bawat bansa. Maaaring magkakaiba ito ayon sa mga pangangailangan at pangyayari sa bawat bansa”.
Ayon pa sa EMA, ang benefit-risk profile ng Johnson & Johnson ay nananatiling positibo.
Kaugnay nito, kinumpirma ng J&J ang pangakong pagsu-suplay ng 200 milyong doses sa EU, mula Norway hanggang Iceland. (Stranieriinitalia)
Basahin din:
- Johnson & Johnson, maaantala ang pagdating sa Europa. Suspendido ang pagbabakuna sa USA.
- Bakuna Vaxzevria AstraZeneca laban Covid19, ang Circular ng Ministry of Health