in

Emilia Romagna, Lazio, Lombardia, Piemonte, Puglia at PA di Trento, zona bianca na rin

Karagdagang limang rehiyon at isang autonomous province ang opisyal na magiging zona bianca simula sa Lunes June 14: Emilia Romagna, Lazio, Lombardia, Piemonte, Puglia at PA di Trento.

Sa ginanap na joint press conference ngayong hapon kasama sina Extraordinary Commissioner Gen. Francesco Paolo Figliuolo, CTS Coordinator Prof. Franco Locatelli at si CTS Spokesperson Prof. Silvio Brusaferro ay inanunsyo ni Health Minister Roberto Speranza na pipirmahan niya ang isang bagong ordinansa ukol sa karagdagang mga rehiyon sa low risk zone o zona bianca.

Sa katunayan, ayon sa weekly report ng ISS ay nananatili ang Rt index sa bansa (0,68) samantala ay bumama naman ang incidence sa 26 cases ng covid19 sa bawat 100,000 residente

«Ang positibong resultang ito ay epekto ng isang epektibong kampanya sa pagbabakuna sa Italya. Naniwala tayo sa agham na nagbigay ng pagkakataong magkaroon ng bakuna at salamat sa mga Italians. Sa kasalukuyan, halos 1 sa bawat 2 Italyano ay nakatanggap na ng unang dosis, ngunit tayo ay magpapatuloy dahil kailangan pa rin nating lalong bilisan ang pagbabakuna”, pagtatapos ni Health Minister. 

Narito ang mga rehiyong nasa ilalim ng zona bianca: 

Friuli Venezia Giulia, Molise, Sardegna, Abruzzo, Liguria, UmbriaVenetoEmilia Romagna, Lazio, Lombardia, Piemonte, Puglia at PA di Trento

Inaasahan naman sa June 21 ang Sicilia, Marche, Toscana, PA di Bolzano, Calabria, Basilicata at Campania. Sa June 28  ay inaasahan ang huling rehiyon na mapapabilang sa zona bianca, ang Valle d’Aosta.

Zona bianca, ang mga health and safety protocols na dapat sundin

  • Walang curfew
  • Tanging restriksyon ay ang pagsusuot ng mask, social distancing at regular na ventilation at sanitation ng mga lugar. 

(PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 1]

AstraZeneca para sa mga over 60 lamang. Pfizer o Moderna, sa ikalawang dosis ng mga under 60.

“Kalayaan 2021: Diwa sa Pagkakaisa at paghilom ng Bayan.”