in

Employers, makakatanggap ng Bonus para sa hiring ng mga colf at caregivers

caregivers

Makakatanggap ang mga employers ng bonus na regular na mage-empleyo ng mga colf at caregivers. Ito ay tumutukoy sa buwanang bonus, na nauugnay sa ISEE, upang tulungan ang mga pamilya sa regular na pag-eempleyo ng mga domestic workers, babysitters at caregivers.

Ito ay nasasaad sa Piano Nazionale para sa paglaban sa lavoro nero na pinagtibay noong December 19, 2022 ni Labor Minister Marina Calderone. 

Ang halaga ng bonus ay hindi pa naitatalaga hanggang sa ngayon.

Bukod sa nabanggit, ay gagawin ding mas madali ang bureaucratic procedure para sa hiring ng mga colf at badanti. Isang seksyon sa website ng INPS, kasama ang web app, ang magbibigay ng mga kasagutan at impormasyon ukol sa bawat hakbang ng hiring sa domestic job ng real time. 

Layunin ng gobyerno ang labanan at hadlangan ang lavoro nero nang kahit 2% hanggang 2025. Sa katunayan, mababasa sa Piano Nazionale na higit sa 780,000 ang mga irregular workers mula sa 1.5 milyong domestic workers (kung saan 90% ay mga kababaihan at 70% naman ay mga irregulars). Samakatuwid, ito ay nangangahulugan ng pagkilos sa sektor at kabilang na dito ang gawing mas simple ang proseso ng hiring, pagbibigay ng bonus sa mga employers upang matulungan sa gastusin sa hiring at pagpapasahod ng mga kasambahay. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.7]

Bagong Covid protocol simula January 2023 

Permesso di soggiorno per assistenza minore, ano ito at sino ang maaaring mag-aplay nito?