Matinding pagbagsak ng employment, partikular ng hiring o assunzione sa loob lamang ng 7 buwan dahil sa Covid19. Higit sa 2 milyon naman ang cessazione dei rapporto di lavoro.
Naitala ang –38% kumpara sa parehong panahon sa taong 2019, ayon sa datos ng Hulyo 2020 ng Inps, ‘Osservatorio sul precariato’.
Kahit ang upgrade mula lavoro tempo determinato sa tempo indeterminato ay bumama rin kumpara sa parehong panahon ng 2019, ngunit para sa Inps, hindi lamang umano coronavirus ang dahilan nito.
Ang pagbagsak sa employment ay higit na naitala sa buwan ng Abril, dahil sa kasagsagan ng coronavirus at lockdown. Bukod sa dalawang nabanggit, ang pagbagsak ng employment ay dahil na din umano sa nabawasan ang produksyon at konsumo sa bansa.
Ayon pa rin sa ulat, ang employment sa unang pitong buwang nabanggit ng taong 2020 ay umabot lamang sa 2.919,000.
Ang pinakamatinding datos ay naitala sa buwan ng Abril, -83%. Samantala, mula sa buwan ng Abril hanggang Hulyo 2020 ay tila bumagal ito, at sa ikapitong buwan ay naitala ng -20%. Ito ay tumutukoy sa lahat ng uri ng kontrata ngunit mas laganap sa mga lavoro tempo determinato na higit na apektado ng krisis.
Bukod dito, upgrade ng mga lavoro tempo determinato sa lavoro tempo indeterminato, sa unang 7 buwan ng 2020 ay 302,000 – ay nagtala rin ng pagbaba kumpara sa parehong panahon ng 2019 (-33% at -41% naman sa buwan ng Hulyo).
Gayunpaman, ang mga kontrata ng apprendistato sa unang 7 buwan ng 2020 ay nagtala naman ng bahagyang pagtaas, +10%.
Bukod sa pagbagsak ng employment, ipinaliwanang din ng Inps ang mga datos ng cessazione dei rapporto di lavoro o ang contract termination.
May kabuuang 2.808,000 o -23% kumpara sa taong 2019. Ayon sa Inps, ang pagbabang ito ay dahil na rin sa ipinatupad na ‘blocco dei licenziamenti’ o ang pagbabawal sa job termination na nilalamang ng decreto Cura Italia at muling kinumpirma sa decreto Rilancio.
Sa panahong mula Enero hanggang Hulyo 2020, may kabuuang 45,535 ang mga rapporto di lavoro (25,213 ang hiring o assunzione at 20,322 ang na-upgrade sa tempo indeterminato). Lahat ng nabanggit ay nakinabang ng exemption ng pagbabayad ng kortribusyon ng mga under 35 na nasasaad sa batas blg 205/2017, isang pagbaba kumpara sa parehong panahon noong 2019 (-34%).