Sa bagong Transparency Decree ay nadagdagan ang obligasyon ng mga employers ng mga colf, caregivers at babysitters. Ang layunin, sa katunayan, ay higit na proteksyon para sa mga domestic workers. Tulad ng nakasaad sa teksto, kailangang detalyadong tukuyin sa lettera di assunzione ang sahod, paraan ng pagtanggap ng sahod, panahon ng bakasyon, ang mga leave at ang oras ng trabaho at iba pa. Narito ang mga detalye.
Colf at caregivers, ang nilalaman ng employment contract
Maaaring mamumultahan mula € 250,00 hanggang €1.500,00 para sa bawat worker, ang mga employers na hindi susunod sa bagong obligasyong nasasaad sa Transparency Decree. Ang bagong regulasyon ay para din sa mga gumagamit ng ‘libretto famiglia’ at tanging ang trabaho na may average na tatlong oras sa isang linggo lamng ang hindi kasama. Bukod dito, ang bagong regulasyon ay hindi lamang sa mga bagong hired bagkus pati din sa mga nasa serbisyo na simula August 1, 2022.
Anu-ano ang mga datos ng colf at caregivers na dapat tukuyin sa employment contract?
Ang mga datos na hindi maaaring mawala sa kontrata ay mga sumusunod:
- Personal datas ng parehong employer at worker;
- Place of work;
- Antas at kwalipikasyon ng worker;
- Uri ng trabaho;
- Probation period;
- Haba ng panahon ng bakasyon at iba pang leave;
- Starting salary;
- Paraan ng pagbibigay ng sahod;
- Oras ng trabaho;
- Proseso at kudisyon ng abiso sa kaso ng pagbibitiw o pagtatanggal sa trabaho.
At hindi lamang ang mga nabanggit! Kakailanganin din na tukuyin ang matatanggap na sahod kung sakaling naka-leave ang worker. Para naman sa suweldo, hindi sapat na tukuyin ang halaga nito, ngunit kailanganin din ilagay ang mga elementong bumubuo dito. Samakatwid, ang minimum salary, super-minimum, indemnity, paraan ng pagbibigay ng sahod at panahon ng pagbibigay ng sahod.
“Ang bagong obligasyon ng Transparency decree ay maaaring maging problema para sa mga employer na hindi lumalapit sa mga asosasyon ng mga employers o sa mga professionals. Samakatwid, iminumungkahi namin na magbigay ng anim na buwang panahon na hindi magbibigay ng multa upang matutunan ang mga bagong patakaran”, ayon kay Lorenzo Gasparrini, ang secretary general ng Domina.
“Ang collective contract sa domestic job ay available sa anim na wika. Gayunpaman, may panganib sa pagtaas ng irregular job dahil sa burukrasiya. Ito ang dahilan kung bakit hiling namin ang mas simpleng regulasyon”, ipinahayag ni Andrea Zini, ang presidente ng Assindatcolf.
Narito ang sample.