Naghain ng irrevocable resignation si Prime Minister Enrico Letta, opisyal na simula ng krisis sa pulitika ng bansa.
Roma, Pebrero 14, 2014 – Naghain ng irrevocable resignation si Prime Minister Enrico Letta, na kasalukuyang hawak ni President Giorgio Napolitano. Opisyal na simula ng krisis sa pulitika ng bansa. Gayunpaman ay sisimulan ngayong araw na ito (5pm) at ipagpapatuloy hanggang bukas ang konsultasyon.
Si Letta pagkatapos ng Council of Ministers ay nagpaalam na sa kanyang mga Ministro. Samantala para naman kay Matteo Renzi ay tila isang pangkaraniwang araw lamang bilang alkalde ng Florence, kung saan sa palazzo Vecchio ay pinangunahan ang selebrasyon ng 600 mag-asawang nagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng kasal.
“Ito ay isa sa pinaka delikado ngunit isa sa pinaka magandang pangyayari sa huling 5 taon”, ayon kay Renzi. “Tayo ay kasalukuyang humaharap sa pambihirang kaganapan, ngunit aking kahilingan na tanggapin nyo at mahalin ang magiging bagong alkalde ng Florence”, dagdag pa nito.
Una nang inihayag ng M5S ang hindi nito pagdalo sa gaganaping konsultasyon. Gayunpaman, hiniling ng oposisyon ang diskusyon ng krisis ng gobyerno sa Parliyamento. “Ang pormal na diskusyon nito sa Parliaymento ay hindi magbibigay ng elemento upang manatili sa kanyang posisyon, dahil hindi maaaring pangunahan ng isang Prime Minister ang majority na hindi na nya kinabibilangan”, ang naging sagot ni Napolitano.
Matatandaang kahapon ay nagkaroon no-confidence vote laban kay Letta ng kanyang partido. Sa botong 136 yes, 16 no at 2 abstain, ay magbibigay daan para kay Matteo Renzi bilang pinakabatang premier ng Italya.