Sa loob lamang ng 4 o 5 araw ay makikita na ang epekto ng EUFA Championship sa kasalukuyang krisis pangkalusugan. Ito ay dahil sa naging pag-uugali ng marami bilang pagdiriwang sa pagkapanalo ng Italya laban sa UK noong nakaraang linggo: assembramenti o kumpulan ng maraming tao at walang suot na mask, kasabay nito ang pagsigaw at sabay-sabay na pagkanta.
Ito ay ayon kay immunologist Sergio Abrignani, miyembro ng Comitato Tecnico Scientifico o CTS, sa isang tv transmission.
Aniya, ang mangyari sana ay ang katulad ng pagdiriwang ng Coppa Italia noong nakaraang taon sa Napoli o noong nagwagi ang Inter sa scudetto sa Milano.Nagkaroon din ng mga social gatherings ngunit hindi nagkaroon ng matinding pagtaas ng mga kaso ng covid19.
Gayunpaman, dagdag pa ng immunologist, “noon ay walang Delta, at ang kalat ay ang Alfa variant. Sana kahit sa pagkakataong ito ay hindi rin magkaroon ng biglang pagtaas ng mga kaso at higit na pagkalat ng Delta variant“.