in

Etna volcano, patuloy ang pag-aalburoto

Patuloy ang pag-aalburoto ng Etna volcano.

Patuloy ang pag-aalburoto ng Etna volcano. Naitala ang ika-anim na pagsabog nito sa loob ng walong araw kahapon. 

Ayon sa ulat ng National Institute of Geophysics and Volcanology, ang naging pagsabog ng Etna tatlong araw na ang nakakalipas ay  isa sa pinakamalakas sa huling sampung taon, kung saan ang lava fountain ay umabot sa taas na halos 4000 metro sa itaas ng crater rim.

Ang pagsabog ng pinakamataas at pinaka-aktibong bulkan sa Europa, ay naglabas ng makapal na usok, gas, at abo na bumalot sa ilang lugar malapit dito. Sa katunayan, ayon sa mga ulat, ang abo ay umabot hanggang sa Palermo.

Gayunpaman, ayon sa awtoridad na patuloy ang pagbabantay sa pagsabog, ay walang dalang panganib ang pagsabog ng Etna. Wala ding dapat ikatakot ang mga residente na malapit dito. 

Ang mga naitalang pagsabog ay nagdulot ng mga kamangha-manghang imahe ng ilang-kilometrong taas ng mga ulap ng abo na nag-iilaw dulot ng tinatawag na volcanic lightning, at ang lava fountains na binuga nito na nakita sa gabi.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bonus bollette, ang pagbabago ngayong 2021

Away dahil sa grade ng anak, nauwi sa pananakit sa asawa!