in

EU – “Ang ibigay sa anak ang apelyido lamang ng ina ay isang karapatan”

Isang batas bilang remedyo sa naging paglabag ng Italya”

Roma, Enero 10, 2014 – Isang hatol buhat sa European Court on Human Rights sa Strasbourg ang lumabas kamakailan. Ito ay matapos mag-apela ang mag-asawang sina Alessandra Cusan at Luigi Fazzo, buhat sa Milan, ukol sa ipinagkait ng bansang Italya sa karapatan sa paggamit ng apelyido ng ina para sa anak na si Maddalena na ipinanganak noong April 26, 1999.

“Ang magulang ay dapat may karapatan sa pagbibigay ng apelyido ng ina, ayon sa European Court on Human Rights at kinundana ang Italya sa paglabag sa karapatan ng mag-asawa sa di pagpapahintulot sa posibilidad na gamitin ng anak ang apelyido ng ina sa halip ng ama.

Sa hatol, na magiging ganap na batas sa loob ng 3 buwan, ay nasasaad ang obligasyon ng Italya na magkaroon ng angkop na batas bilang remedyo sa naging paglabag.

Sa kasalukuyan, makalipas ang ilang taon, ay isinilang ang 2 pang anak ng mag-asawa. Lahat ng magkakapatid ay nagtataglay rin ng apelyido ng ina batay sa isang awtorisasyong ipinagkaloob.

“Ito ay tila isang pabor na ibinigay, ayon kay Cusan – ngunit ang lumabas na hatol ay hindi katulad nito bagkus ay ang posibilidad sa pagpili ng apelyido ng ina lamang”.

Opinyon ng constitutionalist

Sa isang panayam ng rai.it sa isang constitutionalist na si Emanuele Rossi ukol sa naging desisyon ng European Court of Human Rights: “Ang pamilya ay makakatanggap lamang ng kabayaran sa naging danyos at hindi ang karapatan na magamit ang apelyido ng ina, hanggang hindi mamamagitan ang Parliyamento o ang Consitutional court ukol dito”.

Ito ang naging paliwanag ni Emanuela Rossi, isang propesor sa Scuola superiore Sant'Anna sa Pisa, na binigyang-diin na ang naging hatol ay walang legal effect sa bansa. “Bagkus ito ay mayroong political value – dagdag pa nito – at nagsisilbing isang panawagan sa mga mambabatas na i-angkop at ipatupad ang batas batay sa European Convention on Human Rights ​​"

Ano ang nilalaman ng naging hatol ?

"Ang Hukuman ay sinabing ang isang bansa, ang Italya sa kasong ito, ay maaaring mag desisyon sa paggamit ng apelyido lamang ng ama, ngunit ang batas na ito ay hindi maaaring maging isang limitasyon. Ang kawalan ng exemption na magpapahintulot, sa kasong nais ng mag-asawa, na gamitin ang apelyido ng ina, ay naglalagay sa Italya sa isang posisyon ng katiwalian batay sa niratipikang batas ng European Convention on Human Rights . "

Para sa ibang pamilya na mayroong parehong problema ?

"Kung mayroong ibang mag-asawa na napag-desisyunan ang paggamit ng apelyido ng ina sa halip na apelyido ng ama, ay makakatanggap ng pagtanggi buhat sa tanggapan ng Anagrafe at dapat na mag-apela, tulad ng ginawa ng mag-asawa na taga Milan. Ang hukom, gayunpaman, ay maaaring iakyat ang tema sa Constitutional court, na maaaring namang tanggalin bilang karagdagang batas at anyayahan ang legislator upang mamagitan at pahintulutan ang paggamit ng apleyido ng ina”.

Ano ang nilalaman ng batas sa ibang bansa sa Europa?

"Sa halos lahat ng mga bansa sa EU ay pinapahintulutan ang paggamit ng apelyido ng ina. Sa France, sa pagsilang ng anak ay maaaring pumili kung ibibigay ang apleyido ng ama o ng ina o pareho. Sa Great Britain ay pareho ang ipinatutupad na batas at ang mag-asawa ay maaaring pumili ng ibang apelyido (hindi apelyido ng ina at ng ama) at ganito rin ang batas sa Germany, kung saan hindi naman maaaring gamitin ang parehong apelyido, na ginagamit naman sa Spain.

At sa Italya, ang dalawang apelyido ba ay pinapahintulutan ?

"Oo , simula noong 2012 kahit ang mga Italians ay maaaring gamitin ang parehong apelyido sa kanilang mga anak”. Ito ay sa pamamagitan ng decreto del Presidente della Repubblica noong March 13, 2012, sa katunayan, ito ay ipinadala ng Minsitry of Interior sa mga prefecture upang mapadali ang pagpapatupad nito”. (larawan: Boyet Abucay)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Citizenship – Anong uri ng dokumento ang magpapatunay ng aking sahod?

1 taong batang Pinoy, namatay matapos painumin ng asperin ng ina