in

EU Commission: Konsultasyon sa kasalukuyang patakaran ng Family reunification

Ang pamahalaan ng Holland , sa tulak ng partido mula sa extreme right na pinangunganahan ni Geert Wilder ay humiling ng mga pagsusuri para sa mas mahigpit na mga regulasyon.

altBrussels – Ang European Commission ay naglunsad ng isang konsultasyon upang desisyunan kung dapat  baguhin ang mga patakaran sa family reunification ng mga migrante sa European Union, isang sensitibong isyu sa ilang mga bansa sa Europa sa panahon ng krisis. Ang pamahalaan ng Holland, gayunpaman, sa tulak ng partido mula sa extreme right sa pangunguna ni Geert Wilder, ay humihingi ng isang pagsusuri at mas mahigpit na mga regulasyon.

Ngunit ang mgaexecutive sa Brussels, na alam ang mga panganib ay naghayag ng isang batayang mas maingat at mas mayroong kondisyon. Ang konsultasyon, na ang magiging batayan ay napapaloob sa ”Green Book” ay matatapos sa 1 Marso 2012, at ang Commission ang magpapasiya kung babaguhin ang kasalukuyang mga patakaran o hindi. ”Tanging ang Netherlands lamang ang tahasang hiniling ang isang pagbabago sa batas na ipinapatupad mula 2003,” ayon saisang source ng EU.

”Ang Holland ay napaka-aktibo ang isyung ito, nakikita namin ang reaksyon ng iba pang mga bansa.Ang France, na nasa kampanya para sa Presidential election sa darating na Mayo 2012, ang Germany at Austria naman  ay naghayag na rin ng mas mahigpit  na batas para sa family reunification ng mga migrante.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SIULP: “Paghahasik ng takot sa mga migrante, isang pagkakamali”

Mag-asawang Arroyo, pinayagang lumabas ng Pilipinas