in

EU, nagbubukas sa 15 non-EU countries – Italya, hindi pa

Simula ngayong araw, Miyerkules July 1, ang European Union ay muling nagbubukas sa 15 non-European countries. Ito ay ang mga Algeria, Australia, Canada, Georgia, Japan, Montenegro, Morocco, New Zealand, Rwanda, Serbia, South Korea, Thailand, Tunisia, Uruguay at China. Ito ay ayon sa European Council. Ang Russia at USA ay nananatiling wala sa listahan. Ang nasabing listahan ay ia-update tuwing dalawang lingo ng EU Council. Ang mga residente ng Andorra, Monaco, San Marino at Vatican ay ituturing na mga residente ng EU, ayon pa sa EU Council. 

Kaugnay nito, bagaman ang mga nabanggit na bansa ay makakapasok na sa banda (maliban sa China), ay mas pinili ng Italya ang maging maingat. Sa katunayan ay nananatiling ipinatutupad pa rin ang fiduciary isolation at health surveillance ng 14 na araw sa lahat ng mga manggagaling mula non-EU countries. Ito ang nilalaman ng pinirmahang ordinansa ni Minister of Health Roberto Speranza. 

Bukod dito, ay nananatiling pinahihintulutang dahilan lamang ng pagpasok sa Italya ay trabaho, kalusugan, urgent matters, pagbalik sa tirahan at idinagdag ang pag-aaral. 

Nananatiling kumplikado ang sitwasyon sa buong mundo. Dapat nating iwasan ang anumang desisyon na sisira sa naging sakripisyon ng buong bansa nitong mga nakaraang buwan”, ayon kay health minister.

Ang rekomendasyon ng EU Council ay isang indikasyon at hindi batas. Ang awtoridad ng bawat Country Member ay nananatiling responsabile sa pagpapatupad ng nilalaman ng rekomendasyon. Maari nilang tanggalin ng dahan-dahan ang mga restriksyon sa mga bansang nabanggit”, ayon sa isang note ng Council. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization 2020: Patuloy ang pagdami ng mga aplikasyon, higit sa 80,000

Insurance, kailangan ba ng OFW?