Pareho na ang exchange rate ng euros at dollars. Ang € 1 ay katumbas ng halaga ng $1 sa kasalukuyan. Ito ay hindi kailanman nangyari mula noong November 2002.
Ito ang unang pagkakataong naging pareho ang exchange rate ng euros at dollars sa loob ng dalawampung taon. Sa kasamaang palad, ang nag-iisang European currency ay bumagsak ang value. Ang pinakamataas ay naitala noong 2008 kung saan ang €1,00 ay nagkakahalaga ng $1.6. Sa simula ng taong 2022, ito ay nagkakahalaga ng $ 1.15.
Ang pagtaas ng presyo ng mga raw materials, ang krisis sa enerhiya at ang pangkalahatang sitwasyong pang-ekonomiya ng Europa, ay ang mga dahilan sa pagiging patas sa halaga ng euro at dollar.
€1:$1, ang epekto sa Italya
Kapag ang isang pera ay humihina ang value ay nagiging mas mahal ang pag-import ng mga produkto mula sa ibang bansa. Ang exchange rate ay nagiging unfavorable kahit sa isang finished product tulad ng smartphone at kahit sa mga raw materials. Halimbawa ang langis ay binabayaran sa dolyar: kung malakas ang euro ang finished product ay naging mas mura.
Sa kabilang banda, pinapaboran nito ang export. Ang mga kalakal at produkto sa Europa ay mas mura sa ibang bansa at nagiging mas kaakit-akit ang mga ito. Makikinabang nito ang mga produktong agri-food at luxury sector. Gayunpaman, ang inflation ay nagpapabigat sa lahat dahil nagiging mas mahal ang halaga ng produksyon at maaaring mawala ang value nito dahil sa mahinang euro.
Tiyak na ang sektor ng turismo ay maaaring makinabang din. Ang mga Amerikano ay maaaring bumalik at gumasta sa Europa at Italya.