Ang mensahe ng Secretary General Thorbjorn Jagland sa mga pangulo ng European countires.
Strasbourg, 13 Pebrero 2012 – “Ang Europa ay nangangailangan ng mga imigrante upang panatilihin ang kasaganaan at para sa mga political leaders ay dapat pigilin ang mga sarili mula sa paghahayag na naghahasik ng galit”.
Ito ay ang mga salita ni Thorbjorn Jagland, ang Secretary General ng Konseho ng Europa, na ipinahatid sa siyam na pangulo ng bansa sa Helsinki sa isang pagpupulong ng Arraiolos Group, nabuo noong 2003 upang pag-aralang mabuti ang mga problema ng hindi pagtanggap at rasismo sa Europa. Ang grupo, bukod sa Italya ay kinabibilangan ng Finland, Austria, Germany, Hungary, Latvia, Portugal, Poland at Slovenia.
Ayon pa rin kay Thorbjorn Jagland ay panahon na para sa lahat ng mga bansa sa Europa upang tugunan ang kanilang mga tungkulin upang protektahan at matiyak ang mga karapatang pantao ng mga milyon-milyong iligal na mga imigrante at upang wakasan ang diskriminasyon laban sa mga Gypsies.