Ibinasura ang panukala ng mga pamahalaan ng EU na baguhin ang Schengen at magdagdag ng mga kontrol sa mga natatanging kaso. “Mayroon nang provision ng mga pangangalaga, hindi na kailangan ng panibago. Bagkus ay higit pang solidarity sa mga apektadong bansa ng imigrasyon”
Rome – Ang European Parlament ay tinanggihan ang pagdadagdag ng kontrol sa mga hangganan o borders ng mga bansa ng Schengen. Ang pagdagsa ng mga migrante at mga humihiling ng political asylum ay hindi maaaring gawing dahilan sa pagwawalang bisa ng naunang mga provisions, ayon sa isang resolution sa mga pagbabago sa mga patakaran ng Schengen, na pinagtibay sa Strasbourg.
Kamakailan, ang Schengen ay nalagay sa mabigat na diskusyon. Ang biglaang pagdagsa ng mga imigrante mula sa North Africa ay nagtulak sa ilang mga miyembro ng EU na isinasaalang-alang muli ang pagbabago o pagdadagdag ng mga kontrol sa mga frontiers. Noong Hunyo 24 ang European Council ay inanyayahan ang Komisyon upang maglahad sa Setyembre ng mga panukala para sa paglalahad ng isang ‘mekanismo ng pangangalaga’ sa mga nabanggit na ‘natatanging kaso’.
Sa isang resolusyong pinirmahan ng mga sosyalista, demokratiko, liberal at mga taga berde at pinagtibay na rin ngayon ng majority , ang European Parliament ay nakumbinsi ang ilang miyembro ng EU sa pagtatangkang ibalik ang kontrol sa mga frontier at binigyang diin ang pagsalungat sa anumang bagong mekanismo na maglalayong baguhin ang pinalakas na malayang paglalakbay na pinagtibay ng mga gobyernong napapaloob sa Schengen.
Ang European Parliament ay binigyang diin na ang kasalukuyang ‘Codice frontiere Schengen’ ay nagsasaad ng posibilidad di magdagdag ng control sa mga internal frontiers sa kasong tulad lamang ng matinding pagbabanta para sa National security.
Ang paanyaya ng Komisyon ay ang maghayag ng isang inisyatiba upang tukuyin ang “mahigpit na aplikasyon” ng umiiral na mga probisyon sa mga bansang miyembro, na inuulit na ang anumang mga bagong pagbabago sa mga kontrol sa frontiers ay hindi karagdagang kadahilanan para magkaroon ng mas malakas na epekto sa sistema ng Schengen. “
Ayon pa sa mga deputies, ang mga problema kamakailan sa Schengen ay nagu-ugat sa kawalang atensyongipatupad ang patakaran ng politika ng Europa sa iba pang mga sektor, partikular na sa political asylum at migration. Samakatwid ay hinihingi na pagtibayin ang mga progreso na maghahangad ng paglilikha ng iisang mekanismo sa Europa sa sistema ng political asylum sa 2012.