Binigyan ng state funeral na may full military honors si dating premier Silvio Berlusconi sa Milan Cathedral bandang hapon ngayong araw. Ang araw ng Miyerkules, June 14, 2023 ay idineklara bilang araw ng pambansang pagluluksa bilang parangal sa kanya. Namatay noong Lunes si Berlusconi sa edad na 86 dahil sa pambihirang uri ng leukemia.
Sinalubong ang labi ng apat na beses na ex-premier ng Italya, center-right leader at media billionaire ng palakpakan sa plaza sa labas ng katedral na nakidalamhati sa libing.
Ang mga anak ni Berlusconi na sina Marina, Pier Silvio, Barbara, Eleonora at Luigi, kasama ang kinakasamang si Marta Fascina, kapatid ng ex-premier na si Paolo, gayundin sina Marta Fascina at Deputy Premier at Foreign Minister Antonio Tajani, ang coordinator ng center-right Forza Italia (FI) party ng Berlusconi ay nagluluksa sa pagpanaw ni Berlusconi.
Sina President Sergio Mattarella at Premier Giorgia Meloni at ang pangalawang dating asawa ni Belusconi na si Veronica Lario ay kabilang sa humigit-kumulang 2,000 katao na dumalo sa libing sa loob ng katedral.
Nakipaglibing rin ang isang delegasyon mula sa oposisyon, ang center-left Democratic Party (PD) sa pangunguna ni Elly Sichlein.
Milyun-milyong tao ang sumubaybay sa libing via live streaming sa telebisyon. Tinatayang abbot naman sa 15,000 ang mga tao sa plaza na nanood sa mga wide screens sa labas ng katedral at karamihan ay pawang mga tagahanga ng AC Milan, ang football club na itinuturing na isa sa pinakamayaman sa Italya at sa buong mundo na pag-aari ng media billionaire mula 1986 hanggang 2017. Sa panahong nabanggit, ang Milan ay limang beses kinoronahang European champions at nanalo ng walong Serie A titles kung saan nakakolekta ng 29 na mga tropeo.