in

Exam para sa driver’s license, bago na!

 

Pagbabago ng exam sa pagkuha ng mga driver’s license, sa pagpasok ng bagong taon ay mas mahirap na ang test. Sa 2011 ang pagsusulit ay binubuo ng apat na pung katanungan sa halip na sampu lamang na may tatlong kasagutan bawat isa, at pagpipiliian ang true or false. Sa bagong questionare, tatlumpung mga katanungan ang nakalaan sa paksang pinaka mahalaga sa kaligtasan sa daan, sampung iba pang mga subtopics. Pinahihintulutan ang maximum ng apat na error, ang mas marami dito ay kailangang ulitin ang exam. Para sa mga imigrante ito ay naging mas mahirap, dahil ang bagong questionare ay sa wikang Italyano lamang, habang ang dating questionare ay may translation sa mga pangunahing wikang banyaga. Ayon sa Ministry of Transport ang translation ay masyadong mahal at hindi laging tumpak, ngunit para sa mga banyagang aplikante ito ay isang disadvantage at hindi malinaw ang koneksyon ng kaalaman ng wikang italyano na may positibong epekto sa kaligtasan sa daan. Humiling ng paglilinaw ang National Bureau laban sa Diskriminasyon, ngunit sa ngayon ang ministeryo ay ayaw iurong ang kaniyang mga hakbang.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Criminal record, paano ito ipabubura?

PLASTICA BAGS, PAALAM!!