Obligatory na ang paggamit ng face mask o ang pagtatakip ng bibig at ilong sa tuwing lalabas ng bahay anuman ang dahilan nito simula April 5.
Ito ang nasasaad “Ang ordinansa ng Presidente ng Rehiyon ay naglalayong gawing obligatory ang proteksyunan ang sarili at ang ibang tao sa tuwing lalabas ng bahay sa pamamagitan ng pagtatakip ng bibig at ilong gamit ang mask o kahit sa pamamagitan ng scarf o foulard. Ang mga commercial activities na my pahintulot magbukas sa publiko ay obligado rin ang pagbibigay ng disposable gloves at hand sanitizers sa mga kliyente nito”.
Gayunpaman, inaasahan din ang pagpapatupad ng bagong ordinansa sa buong bansa sa lalong madaling panahon. (PGA)