in

Family reunification, kahit huli ang dokumentasyon

Ang hatol ng Korte ng Foggia. Menor de edad ay makakapasok ng Italya kahit walang nulla osta

altRoma – Marso 6, 2012 – Na-reject ang aplikasyon para sa family reunification dahil sa hindi pagsusumite ng mga kinakailangang papeles na hinihingi ng prefecture ng Foggia sa nakatakdang panahon na nagpapatunay ng pagkakaroon ng mga kinakailangang  dokumentasyon para sa aplikasyong makasama ang bunsoong anak na menor de edad sa pamamagitan ng family reunification.

Ang aplikante ay nag-apila sa naging desisyong tanggihan ang aplikasyon para sa family reunification,

Sa katunayan, sa hatol ay ibinigay ang lahat ng patunay ng pagsusumite ng mga kinakailangang papeles sa tamang panahon, na isinumite sa panahong kinakailngan at hindi sa gipit na panaho tulad ng nasasaad sa artikulo  10bis ng batas bilang 241/1990.

Ang partikular na hatol ay kumikilala pati na rin sa pangyayaring kung saan ipinagkaloob sa menor de edad ang pinaka-aasam na pagkakasama-sama muli bilang pamilya, tinanggap ng hukom ang apila at ipinagkaloob ang pagbibigay ng entry visa sa kabila ng kawalan ng nulla osta na tinutukoy sa Art. 29 ng batas bilang 286/1998, upang pahintulutan ang family reunification sa aplikante para sa kanyang bunsong anak na babae. (ni: Avv. Francesca Testini)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Kabayan, isang mahalagang paunawa

FilCom Dinner with Aga Muhlach