in

Fase 2, pagkatapos ng lockdown sa buong Italya, nakahanda ka na ba?

Ang bagong sistema sa transportasyong publiko sa Italya bilang pagsunod sa Soical Distancing

Bukas, Mayo 4, 2020, simula na ng Fase 2, o ikalawang yugto ng pagsugpo sa Covid19, ang pagbubukas muli ng Italya o ang unti-unting pagtatanggal sa lockdown.  Marami ang may agam-agam pa sa paglabas mula sa kani-kanilang tahanan dahil sabi nga sa mga pangkalusugang paalala, hindi pa rin nakatitiyak ng lubusang kaligtasan laban sa virus dahil hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring bakunang makalulunas sa sakit.

Makaraan ang dalawang buwang pagsasara sa buong bansa, ramdam ang pagkasabik ng marami na malayang makalabas ng bahay, magawa ang mga dating nakagawian, makapagtrabaho nang tuluy-tuloy at mabisita ang mga nawalay na mga kaanak at kaibigan. Sa buong Europa, ang Italya ang may pinakamahigpit at pinakamahabang yugto ng lockdown, mula Marso 9 hanggang Mayo 3 at isa rin sa may pinakamataas na bilang ng mga namatay (28,710 – petsa Mayo 2) at naapektuhan ng virus.

May mga gawain nang pinahintulutan sa panahon ng ikalawang yugtong ito gaya ng mga sumusunod:

  • Pagbisita sa mga kaanak at karelasyon
  • Pagdadala pa rin ng autocertificazione
  • Paglibot o biyahe sa loob ng rehiyon
  • Biyahe ng mga bus at treno
  • Paglilibing (at Kasal) pero may takdang bilang ng dadalo
  • Pamamasyal sa paligid
  • Pag-jogging at personal na pagsasanay
  • Pagtungo sa parko

Hindi pa muna pinahihintulutan ang mga sumusunod at may takdang araw kung kailan maaaring:

  • Bumisita sa mga kaibigan
  • Pagtungo sa ibang rehiyon
  • Pagbubukas ng mga ristorante – 1 Hunyo 
  •  Pagsa-shopping – 18 Mayo
  •  Pagbubukas ng barberya at parlor – 1 Hunyo
  •  Pagselebra ng Santa Misa – 11 Mayo
  • Mga Palestra o lugar-palakasan
  • Sama-samang pagsasanay – 18 Mayo
  • Palaruan para sa mga Bata 
  • Museo at Eksibit  – 18 Mayo

Ayon nga kay Signor DOMENICO ARCURI ng Emergency Response Commission, maging mas lalong maingat ang lahat sa yugtong ito dahil simula ito ng mas malaking hamon sa pagsugpo sa Covid19. Ang magiging resulta ng relatibong kalayaang ito ay maaring maging dahilan din ng sakaling pagbawi kaya dapat pa rin panatilihin ang social distancing, pagsusuot ng face mask at maksimong lebel ng kalinisan.

Magkakaroon din ng pag-eksamin sa 150,000 katao upang matiyak ang bilang ng pagkahawa habang sinisimulan ang jnti-unting pagtatanggal sa lockdown. May ipamamahagi ding 5 milyong swabs o tampone na magagamit at hahatiin sa bawat rehiyon. Ang mga face mask ay ipagbibili sa pinakamababang halaga na 50 sentimo sa mga botika at negosyo. 

At para sa pamahalaang Italya, nagawa na nila ang simulaing pagsugpo sa pagkalat ng virus, nasa atin na ang pagpapatuloy na mabantayan ito upang huwag nang magkaroon muli ng mataas na bilang ng apektado at tuluyang masugpo na ito.

Narito ang bagong autocertificazione. (Dittz Centeno-De Jesus)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bagong ‘autocertificazione’, gagamitin simula May 4

Sino ang ‘congiunti’? Maari bang lumabas ng bahay para sa ‘passeggiata’? Narito ang mga kasagutan.