Matapos sumailalim sa lockdown ng buong bansa, inanunsyo ni Italian Preme Minister Giuseppe Conte kagabi ang gradual na pagharap sa tinatawag na Fase 2. Ito ay ang unti-unting pagtatanggal ng paghihigpit na ipinatutupad at ang pamumuhay ng buong pag-iingat ng may covronavirus habang naghihintay ng bakuna o anumang gamot laban dito.
Ito ay nahahati sa tatlong mahahalagang petsa: May 4, May 18 at June 1 ngunit mananatiling sarado pa din ang mga sinehan, theaters, disco houses, concert at ilan pang lugar ng mga pagitupon.
Mahigpit na ipatutupad pa rin ang social distancing, ang pagbabawal sa assembramento o pagtitipon ng ilang katao kasabay ang obligasyon ng pagsusuot ng mask.
Simula May 4 ay muling ibinabalik ang pahintulot ng sirkulasyon o pagbibiyahe sa loob ng Rehiyon kung saan residente. At pahihintulutan lamang ang pagpunta sa ibang Rehiyon kung ang dahilan ay trabaho, kalusugan at mabigat na pangangailangan.
Sa katunayan, mula sa petsang nabanggit ay maari ng mabisita o puntahan ang tinatawag na ‘congiunti’ o ang magulang, anak, kapatid, tiyuhin/tiyahin, pamangkin. Isang paglilinaw ang binigyang-diin, binibigyang pahintulot ang bisitahin lamang ang mga ito ngunit nananatiling ipatutupad ang pagbabawal sa pagtitipon, ang social distancing at ang paggamit ng proteksyon tulad ng face mask. Ito ay hindi isang malayang pagtitipon para sa isang salu-salo ng pamilya. Ito ay inaasahang magkakaroon ng susog upang bigyang pahintulot ang mabisita rin ang nobyo/nobya.
Mananatiling sarado ang mga bar at restaurants ngunit may pahintulot ang ‘for take out’ na maaaring kainin sa bahay o trabaho.
May pahintulot na din simula May 4 ang individual physical excersises kahit malayo sa sariling bahay. Maaaring magbukas ang mga parke, villa at public garden ngunit ang mga Mayors ay maaaring magdesisyon ng paghihigpit o panatilihing sarado ang mga nabanggit. May pahintulot na din sa pag-eensayo ang mga individual professional athletes. Samantala para sa pag-eensayo naman ng mga grupo, inaasahan ang paghintulot sa May 18.
May pahintulot na din ang paglilibing sa mga yumaong, sa kundisyong hindi lalampas sa 15 katao ang mga malalapit na kamag-anak na makikipag-libing, at may social distancing.
Nananatiling walang pahintulot ang pagkakaroon ng misa.
Magbubukas na din ang Wholesale sa fashion, moda, sasakyan .
May 18
Magbubukas ang mga Museums.
Sisimulan na din ang pagbubukas ng mga Retailers tulad ng negozi abbigliamento (clothing shops), calzature (shoe shops), (gioiellerie) jewelry shops. Inaasahan ang iba-ibang opening at closing hours ng iba’t ibang shops upang maiwasan ang rush hours.
Maaari na ring mag-ensayo ang mga squadra, team o group of athletes.
June 1
Inaasahan ang pagbubukas ‘for dine in’ ng mga bar at restaurants. Inaprubahan ng Federazione Italiana Pubblici Esercizi ang bagong regulasyon na distansya ng 1 metro bawat lamesa, ang entrace at exit ay magkahiwalay, digital payment hangga’t maaari, kalinisan, seguridad at sanification.
Pagbubukas ng mga parrucchieri (salon) at centri estetici (beauty centers) at massaggi (spa) . (PGA)