in

Filipino inaresto sa pagpatay sa kondesa noong 1991

Pagkalipas ng dalawampung taon, natagpuan ang DNA ni Winston sa tissue paper

Roma, 30 March 2011 – ‘Siya ay nabigla sa mga pangyayari pero itinuturing ang sariling walang sala kung kaya’t mapayapa namin syang inabutan kaninang umaga’, ito ang mga pahayag ng dalawang abugado ni Manuel Winston Reyes na sina Flaminia Caldani at Andrea Guidi.

‘Hindi totoo ang sinasabing plano nyang pagtakas’, dagdag pa ng mga ito.

Si Winston ay inaresto ng mga pulis kahapon sa kasong pagpatay diumano sa kondesang si Alberica Filo della Torre, pinatay sa pamamgitan ng pagsakal at pagpukpok sa ulo sa kanyang villa sa Olgiata noong ika-10 Hulyo 1991.

Si Winston sa napakahabang panahon ay naging suspect sa pagpatay kasama ni Robert Iacono, anak ng majordomo ng kondesa, dahil sa utang nito sa kanyang amo. Nahuli diumano sa pagnanakaw upang bayaran ang utang na isang milyon at kalahating lire.

Muling binuksan ang kaso noong 2008 sa pagpupumilit ng asawa nitong si Pietro Mattei. Ayon sa mga report, sa tulong ng high tecnology, ay natagpuan ang DNA ng filipino sa tissue paper na natagpuan malapit sa bangkay ng kondesa dalawampung taon na ang nakalipas., Malaki rin ang naitulung ng suot na relos na rolex ng kondesa, ayon pa sa report, na dumaan lamang sa mga pagsusuri ng mga huling taon.

Naging mabilis ang pagdakip sa pilipino dahil sa nabalitang planong pagtakas nito.

Malakas naman ang paniniwala ng mga abugado ni Winston na makakalabas ang filipino dahil sa pagiging inosente nito sa kaso.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

MEDIATION, OBLIGADO BAGO MAG SAMPA NG KASO

AZKALS NAGHAHANDA PARA SA WORLD CUP QUALIFYING GAMES