Sa mga susunod na panahon, ang Coni ay magtatakda ng bilang ng mga manlalarong pwedeng pumasok sa bansa na ipamamahagi sa iba’t ibang sports federation.
Roma – Bubuksan ang pintuan ng bansang Italya para sa mga dayuhang manlalaro sa taong 2010/2011 na may bilang na 1,395 upang bigyan ng pagkakataong maging manlalaro sa bansa, kulang ng 26 na manlalaro kaysa noong nakaraang taon. Ang mga ito ay ang kampeon sa sariling bansa, professional players o baguhan, football players na may billionaires contract o cyclist na may katamtamang kita.
Hanggang sa katapusan ng Hunyo, ang Italian National Olympic Committee ay nagtakda ng influx decree para sa mga manlalaro. Ang mga ito’y dadaan rin sa isang sistema tulad ng ibang mga dayuhang manggagawa subalit ang regulasyon ay may kaibahan sa entry procedure ng mga household service workers, care giver, workmen o mason workers.
Ang magsasagawa ng plano at programa ay ang Coni subalit ang opisyal na pahintulot ay magmumula sa isang decree o atas ng Minister of Culture and Heritage. Nasa pamamahala ng Coni ang pamamahagi ng quota entry sa iba’t ibang sports federation (athletics, football, cyclist, swimmer, etc.), na siyang mangangalaga sa “kaligtasan ng mga kabataang manlalaro”. Kinakailangan rin na maging maingat upang iwasan na punan ang ilang mga disiplina sa pagpapapasok sa maraming dayuhan na pipigil sa mga bagong henerasyon ng bansang Italya.
Base sa inilaang quota, ang sports club ay maaaring magsumite ng mga aplikasyon sa kanilang pederasyon upang magparating ng mga dayuhang manlalaro sa bansa at maging miyembro ng mga Atleta. Tulad ng ibang dayuhan, sa kaniyang pagpasok sa bansa, maaari din siyang magkaroon ng permesso di soggiorno.