“Kung ayaw nating palobohin ulit ang lavoro nero – na kahilingan at kailangan ng lipunan – oras na upang magpatuloy na gawing regular ang Flussi ng mga manggagawang dayuhan, sa tama at regular na proseso, dahil na rin sa lumilitaw na pangangailangan sa workforce. Nasa panahon man ng krisis, ay mayroon pa ring ‘demand’ sa trabaho sa ilang sektor, o mas masasabing, tumataas na demand”.
Ito ang isinulat sa Corriere della Sera ng founder ng Sant’Egidio at dating minister for international cooperation, Andrea Riccardi.
Aniya “ang Regularization o Emersione (o literal na paglabas sa irregularities – ay positibo: lalo na sa panahong mapanganib na mahawa o makahawa ang mga nasa laylayan ng lipunan. Ito ay makakabuti para sa kanila at para sa lugar na kanilang tinitirhan”.
“At naganap din ang legalisasyon ng mga domestic workers na hinahangad taon na ng maraming pamilya, na walang anumang posibilidad simula 2012. Sa katunayan, ang demand ay mas malaki pa kaysa sa mga nakapag-access sa regularisasyon. Ang malaking gastusin para sa mga employer (€500) ay lumikha ng mga problema lalo na sa sektor ng agrikultura. Maraming mga naging hadlang na lalong nagpahirap sa proseso. Sa kasamaang palad, ang construction, food service, logistics at iba pang mga manggagawa ay hindi nakasali. At ang ilan sa kanilang mga serbisyo ay tunay na naging mahalaga sa panahon ng lockdown”.
Ipinaalala rin ng founder ng Sant’Egidio na ito ay nilikha para sana sa mga magsasaka, para sa agrikultura. Ngunit, naging napakahigpit.
“Pagkatapos – dagdag pa nito – ay may isa pang malaking butas ang napansin: ang domestic job. Isang maselang bahagi sa panahon ng covid19, pati na rin ang sitwasyon ng mga matatanda at mga institusyon”.
Isinulat din ni Riccardi na “hindi ang mga Italyano ang sumigaw ngunit ang mga pamilya, mga matatanda, bawat employer. Sila ang nagpasimula ng regularisasyon: ipinakita nila ito sa pamamagitan ng halos 70% ng mga aplikasyon at 25% lamang ang dumaan sa mga patronati: na nagpapahiwatig ng kawalan ng mobilisasyon ng mga organisasyon o ang makipot ng social network”. (stranieriinitalia.it)
Basahin din: