Kung hindi makayanan ng mga Italian investors ang economic crisis sa kasalukuyan ay kabaligtaran naman ito para sa mga dayuhan.
Sa katunayan, ang foreign entrepreneurs ay namamayagpag at patuloy sa pagdami.
Ayon sa ulat ng tanggapan ng Cgia, hanggang noong nakaraang Dec. 31, 2017, ang mga foreign entrepreneurs (partners, owners at administrators) sa Italya ay pumalo na sa 805,477, mas mataas ng 2% kumpara noong 2016.
Ang nangungunang nationality ay ang mga Chinese na may bilang na 80,514, sinundan naman ng mga Moroccans sa bilang na 79,391, Romanians 77,082 at Albanians 46,974.
Samantala, nananatiling mahina naman sa pakikipagsapalaran ang mg Pilipino pagdating sa pagnenegosyo. Sa katunayan, naitalala lamang ang 963 o 2.1%, ayon sa taunang ulat ng Ministry of Labor para sa taong 2016.
Sa kabuuan, ang foreign entrepreneurs ay patuloy ang pagdami at sa taong 2017 ay katumbas ng 8.8% ng kabuuang mga entrepreneurs sa Italya na noong 2009 ay 599,036 o 6,2% lamang.
Kasabay ng paglagong ito ay ang pagbagsak naman ng Italian entrepreneurs mula 8.9% sa 7.5%